Pa-hashtag na 'talong' ni Maggie Wilson ikinaloka ng netizens: 'Kulang na kulang pang-torta yarn!' | Bandera

Pa-hashtag na ‘talong’ ni Maggie Wilson ikinaloka ng netizens: ‘Kulang na kulang pang-torta yarn!’

Ervin Santiago |October 17,2022
facebook
share this

Pa-hashtag na ‘talong’ ni Maggie Wilson ikinaloka ng netizens: ‘Kulang na kulang pang-torta yarn!’

Ervin Santiago - October 17, 2022 - 01:34 PM

Pa-hashtag na 'talong' ni Maggie Wilson ikinaloka ng netizens: 'Kulang na kulang pang-torta yarn!'

Maggie Wilson

NALOKA ang mga netizens sa bagong pasabog ng dating aktres at beauty queen na si Maggi Wilson na may kaugnayan sa “talong.”

Usap-usapan ngayon sa social media at sa ilang umpukan sa showbiz ang ginamit na pa-hashtag ni Maggie na “#small issues” na may kalakip na (eggplant emoji) sa kanyang Instagram post last  Friday, October 14.

Walang binanggit na pangalan ang TV host-entrepreneur sa kanyang cryptic message pero ang hula ng marami ay para ito sa isa niyang ex-partner.

Sey ni Maggie, kung hindi kaya ng lalaking mapayuko at magpagapang ang isang babae,  magsasampa ng lamang ito ng sandamakmak na kaso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maggie Wilson (@wilsonmaggie)


Pahayag ng former beauty queen, “If you can’t get a woman to bow down to you and crawl then just file tons of cases against her. Only weak men fear strong women.”

Sinundan pa nga niya ito ng “#small (eggplant emoji) issues.” Siyempre, ano ba ang iisipin ng mga netizens na may malikot at malisyosong imahinasyon, di ba?

Narito ang ilang comments ng mga netizens sa “pa-talong” ni Maggie.

“Gets na gets ko na kung bakit eggplant ang hashtag. Kailangan pa bang i-memorize yarn!?”

“I-omelet na ‘yan.”

“Small lang pala, e. Makaarte devah!”

“Kulang pang-torta. sadnuuuu.”

“Grave naman si Madam! Spill the tea talaga about her ex’s talong!”

“Mapipikon na naman siya sa hashtag lol.”

“Hahaha burn! Love the hashtag #small.”

“Seeing you staying strong make weak women like me be strong for themselves.”

“I have similar case with you when I took my son from my ex. Indeed your hashtag relates to them.”

Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na dumaraan ngayon sa pagsubok ang marriage life ni Maggie.

Noong September, 2021 nang ihayag ng aktres at ng kanyang mister na si Victor Consunji ang kanilang paghihiwalay makalipas ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Maggie Wilson nabili na ang franchise ng Miss Universe UAE

Maggie Wilson malungkot ngayong Pasko: I was refused time with my son

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea Brillantes na-diagnose ng Congenital Anosmia: Wala akong pang-amoy kaya pwede akong ututan sa mukha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending