Derek nakipaghiwalay kay Andrea sa telepono: May problemang nangyari na nagbigay sa akin ng sign Bandera

Derek nakipaghiwalay kay Andrea sa telepono: May problemang nangyari na nagbigay sa akin ng sign

Ervin Santiago |April 22,2021
share this

Derek nakipaghiwalay kay Andrea sa telepono: May problemang nangyari na nagbigay sa akin ng sign

Ervin Santiago | April 22,2021 - 09:26 AM

NADAGDAGAN pa ang mga taong nakikisimpatya ngayon sa Kapuso sexy actress na si Andrea Torres matapos aminin ni Derek Ramsay na siya ang nakipaghiwalay sa dalaga.

Nagbigay ng ilang detalye ang hunk actor tungkol sa kontrobersyal na break-up nila ni Andrea at inaming may kinalaman nga rito ang pamilya ng kanyang ex-dyowa.

Simulang pahayag ng fiancé ni Ellen Adarna sa isang panayam, nakipaghiwalay siya sa Kapuso star sa pamamagitan lamang ng pagtawag sa telepono.

“Yung sa amin ni Andrea, it was actually may problema na nangyari na, I guess, nagbigay sa akin ng sign na, I think, this relationship we have, our views on this, yung problemang ‘yon, yung values namin, ng isa’t isa, is not the same,” pahayag ni Derek sa interview ni Nanay Cristy Fermin sa kanyang radio-online talkshow na “Cristy FerMinute.”

Paliwanag pa ng aktor, “Hindi mali yung values niya, hindi mali yung values ko. Pero ganito ako pinalaki, ganoon siya pinalaki.

“Hindi ko na aatakihin ‘yon, hindi ko siya babaguhin. Hindi niya ako babaguhin. So I told her, ‘I think that this is the end of this relationship because we cannot see eye to eye on this matter,” ayon pa kay Derek.

Aniya, mas mabuting tapusin na nila agad-agad ang kanilang relasyon kesa pagsisihan pa nila sa bandang huli.

“So, I think it’s just best na kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa, and then two, three years down the road, maghihiwalay tayo.

“‘Babalikan natin ito kasi nga iba ang views natin sa problemang ‘yan, and it’s a waste of time and it’s a waste of effort… masakit, di ba?'” lahad pa ng aktor.

Aminado rin siya na pinagsisisihan niya na nakipaghiwalay siya kay Andrea sa pamamagitan lang ng telepono.

“So, ako yung nakipagkalas. Sa phone po namin, ‘yon lang yung siguro kung may regret ako is that it came up over the phone.

“Actually, dapat magkikita kami noon, ang nangyari, it came up over the phone, pero with no disrespect. Hindi namin dinisrespect ang isa’t isa. She agreed also,” patuloy pang paliwanag ng ex ni Andrea.

Halu-halo ang reaksyon ng netizens sa bagong rebelasyon ni Derek, may nagsabing tama lang ang ginawa niyang pagpapakatotoo kesa nga naman ipagpatuloy pa nila ang relasyon at maglokohan lamang.

Ayon naman sa ilang kumampi kay Andrea, wala raw talagang kuwentang lalaki ang aktor dahil sa halip daw na magsakripisyo at hanapan ng solusyon ang mga issue ay nakipaghiwalay siya agad.

Ibig sabihin daw, hindi talaga niya minahal si Andrea simula pa lamang dahil hindi niya kayang ipaglaban ang dalaga. At sobrang foul daw talaga ang ginawa nitong pakikipaghiwalay sa telepono.

Ilang beses nang nagsalita si Derek about the break-up pero hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni Andrea tungkol sa  paghihiwalay nila ng hunk actor.

Hindi na nasundan pa ang inilabas niyang official statement noong November, 2020 kung saan kinumpirma nga niyang wala na sila ni Derek. Sabi pa ni Andrea, wala pa siyang planong makipagrelasyon uli ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending