Pelikula ng baguhang aktor hindi maipalabas; direktor, produ hindi magkasundo sa editing | Bandera

Pelikula ng baguhang aktor hindi maipalabas; direktor, produ hindi magkasundo sa editing

Reggee Bonoan - June 27, 2021 - 07:21 PM

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang plano kung kailan maipapalabas ang pelikula ng baguhang aktor na ginastusan ng malaki.

Dream project ito ng nasabing aktor pero nagkakaproblema raw ngayon sa post production dahil hindi type ng producer ang ginagawang pag-e-edit ng direktor sa pelikula.

Ang gusto kasi ng producer ay ilabas ang kabuuan ng movie at walang masayang sa mga kinunang eksena. Kung hindi raw ito ieedit, aabutin ng tatlong oras ang pelikula.

“E, si direk ayaw na pakialaman tutal mas marunong pa raw si ____ (producer), siya na lang daw ang tumapos. Kaya nakabinbin pa ang pelikula, ewan ko kung ipalalabas pa ‘yun. Two years nang tapos yun, before pandemic pa,” kuwento sa amin ng isang taga-production.

Excited pa naman daw ang aktor na kahit sa online na lang daw ito maipalabas para mapanood ang pinaghirapan nila ng ilang buwan.

“Tumiba nga lahat ng kasama sa pelikula, imagine ilang araw ‘yung shooting days, parang 60 days yata ‘yun,” sabi ng kausap namin.

Dagdag pang kuwento sa amin, “Yung nagastos sa pelikula, parang budget na ng isang season ng Ang Probinsyano o baka mahigit pa.”

Napaisip tuloy kami kung magkano ang gastos ng ABS-CBN sa isang season ng aksyon serye ni Coco Martin na magsi-six years na ngayong Setyembre, 2021.

Ibig sabihin, talagang ginastusan at hindi tinipid ng producer ang pelikula ng baguhang aktor kaya nga lang, hindi nga magkasundo ang produ at direktor.

Samantala, ang baguhang aktor na bida sa pelikula ay may bagong project na inaasikaso ngayon na walang kinalaman sa showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending