Glaiza sa pagiging kontrabida: 'Yung roles na ginagampanan 'ko, pinu-push niya 'ko para maging palaban din sa totoong buhay' | Bandera

Glaiza sa pagiging kontrabida: ‘Yung roles na ginagampanan ‘ko, pinu-push niya ‘ko para maging palaban din sa totoong buhay’

Ervin Santiago - May 03, 2023 - 10:54 AM

Glaiza sa pagiging kontrabida: 'Yung roles na ginagampanan 'ko, pinu-push niya 'ko para maging palaban din sa totoong buhay'

Glaiza de Castro

PALABAN din ba ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa tunay na buhay tulad ng ginagampanan niyang mga karakter sa mga nagawang teleserye ng GMA 7?

Yan ang isa sa mga ibinatong tanong ni Boy Abunda nang muling mag-guest si Glaiza sa programa nitong “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon.

Isa ang award-winning actress sa mga pambatong kontrabida ng Kapuso Network at talagang nagmamarka sa mga manonood ang aktres sa bawat karakter na ginagampanan niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)


Bukod sa pagiging butihing wifey ni David Rainey at sa mga projects na ginagawa niya ngayon, naitanong din ni Tito Boy kay Glaiza kung palaban din ba siya in real life tulad ng mga ginagampanan niyang karakter sa telebisyon at pelikula.

Tugon ni Glaiza, “Actually po nangyayari lang, Tito Boy. Nagsimula po siya noong ginawa ko ‘yung isang afternoon soap with Maxene Magalona ang title po nito ay Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. I think that was my first main kontrabida role.”

Baka Bet Mo: Elijah Alejo pahinga muna sa pagiging kontrabida; Anna Vicente binigyan ng big break ng GMA

Mula raw noong magkontrabida siya sa mga teleserye ay sinubukan na rin niya itong isabuhay, “Tina-try ko e, dahil sa totoong buhay po, hindi naman talaga ako palaban.”

“So, feeling ko ‘yung roles na ginagampanan ko, pinu-push niya si Glaiza para maging palaban sa totoong buhay,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)


Sa ilang taon na rin niya sa mundo ng showbiz, more or less ay alam na ni Glaiza kung anu-ano ang kanyang gagawin para mapaglaruan ang mga role na ipinagkakatiwala sa kanya ng GMA at ng mga movie producer na kumukuha sa kanya.

“’Yung showbiz industry napakalawak niya so ang dami mong puwedeng gawin, puwede mong gawing playground ‘yung pagiging aktor,” sabi pa ng aktres.

Tulad na nga lang ng ginagampanan niyang karakter sa latest GMA Afternoon Prime series na “The Seed of Love” bilang si Eileen na isang asawang “inagawan”.

Magsisimula na ito sa Lunes, May 8, kung saan makakasama rin ni Glaiza sina Mike Tan at Valerie Concepcion.

Pokwang sa lahat ng magulang na lumalaban para sa pamilya: Wag tayong susuko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica, Glaiza wish na makapag-bonding pa rin nang bonggang-bongga kahit may sarili nang pamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending