Angelica, Glaiza wish na makapag-bonding pa rin nang bonggang-bongga kahit may sarili nang pamilya | Bandera

Angelica, Glaiza wish na makapag-bonding pa rin nang bonggang-bongga kahit may sarili nang pamilya

Reggee Bonoan |January 24,2023
facebook
share this

Angelica, Glaiza wish na makapag-bonding pa rin nang bonggang-bongga kahit may sarili nang pamilya

Reggee Bonoan - January 24, 2023 - 11:43 AM

Angelica, Glaiza wish na makapag-bonding pa rin nang bonggang-bongga kahit may sarili nang pamilya

Angelica Panganiban at Glaiza de Castro

ISANG araw bago ang ikalawang kasal ng aktres na si Glaiza de Castro sa asawang si David Rainey sa Pilipinas kahapon, Enero 23 ay  nag-post ang kaibigan niyang si Angelica Panganiban ng kanilang throwback photos.

Kabilang na rito ang mga larawan nila na kuha sa mga lugar na narating nila at sabay bati sa kaarawan nito.

Ang caption ni Angge, “Kaya pala ginawa na natin mga masasayang bagay noon. Parating na pala mga mister right ng buhay natin.

“Happy birthday amigah payagan pa sana tayo ng pamilya natin gawin tong mga to sa future (praying hands). Love you bataaah,” ang nakasaad sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)


Sagot naman ni Glaiza, “Salamat amigah! Papayagan tayo at gagawan natin ng paraan gaya ng lagi nating ginagawa! Love you jan at see you soooon waaaaaha waaah waaaaa.”

Face with heart and three red heart emojis naman ang komento nina Maxene Magalona at Carla Abellana na parehong nahiwalay na sa kani-kanilang mga asawa na sina Rob Managquil at Tom Rodriguez.

Samantala, naunang ikinasal sina Glaiza at David noong nakaraang taon, Oktubre 21,2021 sa Northern Ireland, United Kingdom.

Hindi nakarating ang partido ng aktres dahil pahirapan pang bumiyahe sa labas ng bansa ng mga panahong iyon dahil sa pandemya.

Kaya muling nagpakasal ang dalawa kahapon sa isang beach sa Zambales na inihatid ng kani-kanilang mga magulang.

Ang mga dumalong personalidad sa wedding ay ang mga kaibigan ni Glaiza sa pangunguna nina Alessandra de Rossi, Isabel Oli, Chynna Ortaleza with Kean Cipriano, Gabby Eigenmann, Sheena Halili, Rochelle Pangilinan, Bianca Umali, Ruru Madrid at si Angelica bilang maid of honor.

Siyempre present din ang mga kasamahan ng aktres sa reality show na “Running Man Philippines” na napanood sa GMA 7.

Ang hinihintay na lang ng mga supporters ni Glaiza ay ang kanyang pagbubuntis para daw pareho na silang maging mommy ni Angelica at ng iba pa niyang celebrity friends.

Glaiza nagsukat na ng wedding gown para sa ika-2 kasal sa Pinas; Rabiya, Max, Andrea pang-international na rin ang career

Tuesday Vargas 2 beses nang tinamaan ng virus: Stop COVID-19 shaming, ‘wag na po tayong magsisihan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Glaiza nanikip ang dibdib habang kinukunan ang drama scene: Grabe, hindi talaga ako makahinga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending