Glaiza nagsukat na ng wedding gown para sa ika-2 kasal sa Pinas; Rabiya, Max, Andrea pang-international na rin ang career | Bandera

Glaiza nagsukat na ng wedding gown para sa ika-2 kasal sa Pinas; Rabiya, Max, Andrea pang-international na rin ang career

Ervin Santiago |December 01,2022
facebook
share this

Glaiza nagsukat na ng wedding gown para sa ika-2 kasal sa Pinas; Rabiya, Max, Andrea pang-international na rin ang career

Ervin Santiago - December 01, 2022 - 07:55 AM

Glaiza nagsukat na ng wedding gown para sa ika-2 kasal sa Pinas; Rabiya, Max, Andrea pang-international na rin ang career

Glaze de Castro at David Rainey

TULOY na tuloy na ang wedding ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro at ng kanyang Irish husband na si David Rainey dito sa Pilipinas.

Tulad ng naipangako ng award-winning actress sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta, magpapakasal sa ikalawang pagkakataon ang married couple dito sa bansa.

Unang ikinasal sina Glaiza at David sa Northern Ireland noong October, 2021 pero nagdesisyon nga sila na magpalitan muli ng “I do” sa kanilang second wedding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)


Sabi ng Kapuso star, hindi pa sila  nagpapalitan ng singsing ni David dahil gusto nga nila itong gawin sa kanilang church wedding dito sa Pilipinas.

Sa ngayon ay nasa preparation stage na ang mag-asawa base na rin sa ipinost ni Glaiza sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang pagsusukat niya ng bagong wedding gown.

“It’s getting real. Initial fitting on my wedding gown with none other than nanay (na ngayon pa lang emotional na).

“Ang saya lang makipagbatuhan ng ideas at chikahan with (Jo Rubio) and I think he’s the perfect designer kasi gets niya agad vision ko at pareho kami ng outlook sa buhay. Sobrang nakaka-excite lahat,” ang inilagay na caption ni Glaiza sa kanyang IG photo.

Wala pang karagdagang detalye na ibinibigay si Glaiza tungkol sa eksaktong petsa at lugar ng kasal nila ni David.

* * *

Ang bongga ng GMA Sparkle artists na sina Max Collins, Rabiya Mateo at Andrea Torres! Hindi lang sa Pilipinas umaariba ang kanilang career kundi pati na rin sa  international scene.

Since signing with GMA last 2021 and with Sparkle this 2022, Rabiya has starred in various projects for her home network, most notably as one of the three main hosts of the all-original morning Kapuso game show “TiktoClock.”

Kamakailan lamang ay ni-launch na ang kanyang international acting career via Studio Three-Sixty’s action series “One Good Day” kasama si Ian Veneracion. The six-episode series began streaming last November 17 on Amazon Prime.

Kasama rin sa “One Good Day” si Andrea Torres at bukod dito ay mapapanood din siya sa Filipino-Argentine-produced film na “Pasional” kasama ang Argentine actor and director na si Marcelo Melingo.

Samantala, nitong nagdaang September naman ay ibinandera ni Max Collins na makakasama siya sa second season ng American-Filipino crime drama TV series na “Almost Paradise.”

Not much is known about Max’s role yet, but she will be starring alongside the lead, Christian Kane, who plays the role of Alex Walker. The second season will be released on Amazon Freevee.

Glaiza umamin: Mahal talaga yung relationship namin ni David dahil…

Glaiza nanikip ang dibdib habang kinukunan ang drama scene: Grabe, hindi talaga ako makahinga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Glaiza iiwan ang pag-aartista para sa pamilya: Pangarap ko talagang maging ina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending