Glaiza umamin: Mahal talaga yung relationship namin ni David dahil…
ILANG buwan matapos nilang ibandera sa buong mundo ang kanilang engagement, wala pa ring final date at venue ang kasal ni Glaiza de Castro sa kanyang Irish fiancé na si David Rainey.
Ayon sa Kapuso actress-singer, hindi pa talaga sila makapagplano nang todo ni David dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa pero umaasa siya na darating din ang tamang panahon para sa kanilang dream wedding.
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Glaiza kamakailan sa ginanap na virtual mediacon ng bago niyang teleserye sa GMA, ang TV adaptation ng classic movie na “Nagbabagang Luha” na pinagbidahan noon nina Alice Dixson, Gabby Concepcion, Lorna Tolentino at Richard Gomez.
Pahayag ni Glaiza about the wedding, “No definite plans yet for marriage, kasi lets face it, very challenging ang pandemic ngayon lalo na sa pagta-travel.
“Mahal yung relationship namin, kasi maraming travels na involved. We are hoping the restrictions will ease out. Iniisip na lang namin na test ito for us, sa relationship namin, for us to be more trustful and patient with each other.
“Pero may effect nga itong ‘Nagbabagang Luha’ sa akin which is about cheating. Naiisip ko na, naku, baka may iba na siya, kaya gusto ko na ring magkita kami,” ang pag-amin ng award-winning actress.
Saan ba nila balak magpakasal, sa Pilipinas o sa Ireland? “Ideally, gusto ko dito ang wedding namin. Kasi ang laki ng family ko, e. Hindi ko sila kayang dalhin lahat sa Ireland.
“E, sila 10 lang sila sa family nila. So when it comes to logistics, mas practical to do it here at para rin ma-experience nila ang Filipino culture. I’m so excited to bring them around,” sabi pa ng aktres.
Samantala, mapapanood na simula sa Aug. 2 ang “Nagbabagang Luha” sa Afternoon Prime block ng GMA kung saan bibigyang-buhay ni Glaiza ang karakter ni Maita Montaire na unang ginampanan sa pelikula ni Lorna.
Makakasama rin niya rito si Claire Castro na gaganap bilang kapatid niyang si Cielo (ginampanan noon ni Alice) at Rayver Cruz as her husband Alex (played by Gabby sa movie). Si Mike Tan naman ang gaganap bilang Bien de Dios na unang ginampanan ni Richard sa pelikula.
Kasama rin sa serye sina Gina Alajar, Allan Paule, Archie Adamos, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Ralph Noriega, Karenina Haniel at Bryan Benedict.
Ayon kay Glaiza, “I feel honored to be chosen to reprise the role of Ms. Lorna Tolentino because she is one of the veteran actors I really look up to.
“She gives every role not only justice but truth and that’s always been my objective ever since. I’m looking forward to working with my co-actors especially Ms. Gina Alajar who was my first mentor in acting,” aniya pa.
Sey naman ni Rayver, “Masaya ‘yung experience, first time ko na ganito katagal ‘yung lock-in taping. After a long time, ngayon lang ulit kasi ako sumabak sa teleserye tapos sakto na lock-in taping. Hindi ko na-feel na matagal kasi masaya ‘yung samahan namin, para talagang isang pamilya kami.”
Hindi naman inasahan ni Claire na siya ang mapipili sa serye bilang Cielo, “I didn’t expect it. Who would have thought na sa isang baguhang tulad ko ipagkakatiwala ‘yung malaking role.
“I am honored and pressured at the same time. Thankfully, my co-stars are approachable, very professional, and very kind. They helped me a lot. They are also very supportive to a newbie like me,” aniya pa.
Sa darating na Lunes na, Aug. 2 ang world premiere ng “Nagbabagang Luha” pagkatapos ng “Eat Bulaga” mula sa direksyon ni Ricky Davao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.