Xian Gaza ayaw tantanan si Ali Khatibi: 'May pa-couple tattoo with her present GF! Ang sweet nemen! Sene ell!' | Bandera

Xian Gaza ayaw tantanan si Ali Khatibi: ‘May pa-couple tattoo with her present GF! Ang sweet nemen! Sene ell!’

Reggee Bonoan |May 01,2023
facebook
share this

Xian Gaza ayaw tantanan si Ali Khatibi: ‘May pa-couple tattoo with her present GF! Ang sweet nemen! Sene ell!’

Reggee Bonoan - May 01, 2023 - 08:12 PM

Xian Gaza ayaw tantanan si Ali Khatibi: 'May pa-couple tattoo with her present GF! Ang sweet nemen! Sene ell!'

Ali Khatibi at Xian Gaza

MUKHANG paboritong pulutanin ng Lalaking Marites na si Xian Gaza ang aktor at dating husband ni Cristine Reyes na si Ali Khatibi.

Si Ali ang ama ng 8-taong-gulang na anak ni Cristine na si Amarah. Matagal nang hiwalay ang dating magkarelasyon kaya naman walang problema kung umamin na ang aktres na boyfriend niya ang aktor na si Marco Gumabao.

Kahapon, Linggo, ay ipinost ni Xian Gaza sa kanyang Facebook account ang sinasabi nitong pekeng PWD or Person with Disability ID ni Ali para makakuha ng diskwento. May kinalaman sa pandinig ang type of disability ng Viva artist.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bukod dito ay may blind item din ang lalaking tsismoso na hindi umano sinusustentuhan ni Ali ang dalawang panganay niya pero ang isa ay sustentado dahil takot umano ito kay Cristine.

At ngayong araw ay may bago na namang post si Xian na larawan nina Marco at Cristine na katabi naman ng larawan ng dalawang lalaki at babae na parehong tinakpan ang mga mukha.

Baka Bet Mo: Cristine inakalang hindi na makakabalik sa showbiz matapos unahin ang pamilya: ‘Nawala ang lahat sa akin at napakahirap nu’n’

Ang caption ni Gaza ay, “So eto na nga ang chesmes mga Mars! Three days after mag-out ni Cristine Reyes at Marco Gumabao, ang ex-husband (na kumita ng milyones sa annulment) ay may pa-couple tattoo with her present girlfriend! Ha-hahaha! Ang sweet nemen! Sene ell!

“Ang analysis ng Mosang Supreme Council of the Philippines (MSCP), isa lamang itong defense mechanism upang hindi maapakan ang kanyang ego at hindi siya tawaging loser dahil ‘di hamak na mas pogi ang ipinalit sa kanya na si Baby Marco!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ali Khatibi (@mralikhatibi)


“Ang nasabing 3-time world champion sa hindi pagsusustento ay mayroong 20 years old na anak sa Estados Unidos na hindi niya sinuportahan mula pagkapanganak.”

Miyembro ng mixed martial arts fighter si Ali at sumali na sa iba’t ibang kumpetisyon.

Sina Ali at Cristine ay ikinasal noong 2016 sa Balesin Island at nag-divorce ng 2019 kaya siguro ito ang binabanggit ni Gaza na nakakuha ito ng milyones bilang alimony.

Nananatiling tikom naman ang bibig ni Cristine tungkol sa isyung ito at mas gusto niyang ipakita na maligaya siya ngayon sa piling ni Marco.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig at magiging paliwanag ni Ali Khatibi.

Cristine Reyes, Ali Khatibi magkasamang um-attend sa school event ng anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending