Alex ibinandera kung gaano kaswerte kay Mikee, nag-alay ng kanta para sa asawa
TODO effort ang aktres at YouTube vlogger na si Alex Gonzaga para sa kaarawan ng kanyang mister na si Mikee Morada.
May bago kasi siyang kanta na handog bilang regalo sa kanyang asawa.
Ito ang kantang “Swerte” na kalalabas lang nitong April 19.
Mapapanood pa sa music video ng awitin ang ilang masasaya at sweet moments ng dalawa.
“Ang swerte ko nga ikaw ang binigay / Ang swerte ko nga ikaw ang kasabay ko na tumanda at ang iyong kamay / Ang hawak ko habang buhay / Ang swerte ko nga ikaw ang binigay / pag kumukulit merong sumasaway / At paminsan minsan ay sumasabay / karamay ko habang buhay,” saad sa chorus ng kanta.
Bukod diyan ay ibinandera pa ni Alex sa isang Instagram post ang kanyang mahabang birthday message para kay Mikee.
“Mikee, NAPAKA swerte ko,” panimula ng aktres sa IG post.
Baka Bet Mo: Gina Alajar nagsalita na tungkol kay Alex Gonzaga: ‘Feeling ko meron naman siyang natutunan sa akin’
Caption pa niya, “Actually kulang ang salitang swerte para matapatan ang nararamdaman ko tuwing magkasama tayo.”
“Everyday lagi mo ako binibigyan dahilan para mas mahalin ka at magpasalamat sa Diyos na binigay ka nya sakin,” sey pa ni Alex.
Lahad pa niya sa social media, “Napakabuti mong tao at napakaswerte ng sino man na makikilala ang Mikee na asawa, best friend, kakampi, tagapayo at tagapagtanggol ko.”
“Mahal na mahal kita, Mikee. Happy birthday Papamel,” aniya pa.
View this post on Instagram
Sumang-ayon naman ang maraming netizens sa IG post ng YouTube vlogger at narito ang ilan sa mga komento nila.
“Ang swerte niyo pareho sa isa’t isa. This is the very best gift you could ever give to Kuya Mikee — not to mention the song, but this something na galing sa puso.”
“This is a song that came from your heart and it screams how much you love him!! My MiLex heart is happy for you two! Stay strong! God bless always your union!!! We love you!!!”
“Yes you are the luckiest girl in the world for having Mikee in your life. Sana all ng lalaki katulad ni Mikee pero Hindi eh, nag-iisa lang siya, walang katulad.”
Matatandaang taong 2020 nang ikinasal sina Alex at Mikee na nangyari sa tahanan ng aktres sa Taytay, Rizal.
Related Chika:
Claudine Barretto nag-effort pa rin para sa birthday ni Rico Yan: I love you!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.