Alex Gonzaga ibinandera ang ipinapatayong bahay: Mga 100 tumbling na lang! | Bandera

Alex Gonzaga ibinandera ang ipinapatayong bahay: Mga 100 tumbling na lang!

Therese Arceo |March 17,2023
facebook
share this

Alex Gonzaga ibinandera ang ipinapatayong bahay: Mga 100 tumbling na lang!

Therese Arceo - March 17, 2023 - 06:05 PM

Alex Gonzaga ibinandera ang ipinapatayong bahay: Mga 100 tumbling na lang!

IBINANDERA ng TV host at vlogger na si Alex Gonzaga ang latest update sa kanilang ipinapagawang bahay.

Sa kanyang Instagram post kung saan kasa-kasama at ka-holding hands niya ang asawang si Councilor Mikee Morada ay makikitang nasa likod nila ang kanilang ipinapatayong dream house.

“Mga 100 na tumbling nalang. Pasok na mga suki para mas mapabilis matapos,” saad ni Alex sa kanyang caption.

Hindi naman kinalimutan ng bunsong Gonzaga ang magpasalamat sa kanyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy na punong abala sa construction ng kanilang bahay.

“Well this post is really to thank daddy and mommy @bopingonzaga_ for handling the construction. #Blessed children!” sey ni Alex.

Marami namang nagpaabot ng kanilang congratulatory message para sa mag-asawa.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza ibinandera ang ipinatatayong dream house: ‘Dear self, I am so proud of you!’

“Excited for you and mikee,” saad ni Dianne Medina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

“Congrats in advance alsy balsy,” comment naman ni Melai Cantiveros.

Hindi naman papahuli ang bestfriend ni Alex si Luis Manzano.

“Pa mine nung walis tingting sa gilid pag ok na po. Salamat,” saad ni Lucky.

Sagot naman ni Alex, “@luckymanzano need namin yan dyan naka-angkla ang pundasyon ng bahay namin.”

Sa naging panayam naman niya kina Slater at Kryz noong June 2021 ay ibinahagi niya ang mga hirap sa pagsisimula ng construction ng kanilang bahay at role ng kanyang mga magulang rito.

“‘Si Daddy ganyan talaga siya. Contractor. Dati siyang nag PSID. So may alam talaga sila kasi ‘pag may pinapagawa kami. Sila talaga. ‘Di nila kinakarir na business talaga nila kasi siyempre nakatutok din sa amin,” lahad ni Alex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naisip ko kasi na ayokong ma-stress na parang na baka [hindi kami magkaintidihan] ng contractor. Kasi maraming ganu’ng stories, ‘di ba? Na parang in the middle of their construction, nagpapalit sila ng contractor. So, sabi ko ayoko na ng ganu’ng stress kasi nag-wowork din ako,” pagpapatuloy pa niya.

Related Chika:
Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon…

Gina Alajar nagsalita na tungkol kay Alex Gonzaga: ‘Feeling ko meron naman siyang natutunan sa akin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending