Alex kumasa sa hamon ng pagiging senior high teacher: Bagsak kapag…
BATA pa lang ay talagang pinangarap na ng aktres, TV host at content creator na si Alex Gonzaga ang maging isang teacher.
Sa katunayan, nagtapos si Alex sa University of Asia and the Pacific ng Bachelor of Science in Child Development and Education.
Pero mukhang hindi na siya nabigyan ng chance na magamit ang natapos na kurso dahil nga mas nauna na siyang magkaroon ng career sa mundo ng showbiz.
Kaya naman sa isang pambihirang pagkakataon, tinanggap ni Alex ang hamon para maging guro sa Lipa City Science Integrated National High School bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Teachers’ Month na nagtapos nitong unang linggo ng Oktubre.
Baka Bet Mo: Alex rumaket bilang teacher ng Team Kramer: We will tutor the English people and I will be the English!
Sa bagong vlog ni Alex, mapapanood nga ang mga naging kaganapan nang kumasa siya sa challenge na maging teacher for a day.
View this post on Instagram
Sey ng aktres at vlogger, ito na ang pagkakataon niya na maipakita sa buong universe na kahit paano’y may karapatan din siyang magturo dahil may kinalaman nga sa education ang kursong tinapos niya sa college.
“Alam n’yo, isa sa majors ko ang education. Kaya ako ay pwede ring maging isang guro…ng kalokohan!” ang birong hirit ni Alex sa simulang bahagi ng kanyang vlog sa habang nasa harap ng kanyang mga estudyante sa Lipa City Science Integrated National High School.
Pagseseryoso ng wifey ni Mikee Morada, “Hindi, puwede akong maging guro ang course ko actually child development. Dahil bata pa lang ako, gustung-gusto ko nang maging guro.”
“So today dahil naman patapos na ang Teachers’ Month pero hindi naman natatapos ang pagdiriwang sa mga teacher, ise-celebrate pa rin natin. Dahil for today ako ay magiging teacher!” aniya pa.
As expected, puro kalokohan at patawa ang ibinahagi ni Alex sa hinawakan niyang klase na kinabibilangan ng senior high students kung saan siya nagturo ng balancing chemical equation.
View this post on Instagram
Binigyan pa nga niya ng quiz ang mga mag-aaral pero kahit daw siya ay hirap na hirap sagutin ang mga ipinasagot niyang formula.
Biniro pa nga niya ang kanyang mga estudyante na, “Ibabagsak ko yung mga hindi pa naka-follow sa akin (sa social media). Perfect 10 naman yung mga naka-follow na!” Na sinundan naman ng malakas na tawanan ng buong klase.
Sey ni Alex, totoong-totoo, napakahirap daw pala talagang maging isang teacher. Bukod sa nakakaubos ng brain cells ay nakakapagod din ito.
“Ito na ang napatunayan ko today. Mas mahirap maging teacher. Kaya kung nahihirapan kayo (mga estudyante), mas dobleng hirap ng mga teacher. Kaya galangin natin sila,” ang paalala ni Alex sa kanyang klase.
“Thank you, teachers!” ang pahabol pa niyang mensahe sa lahat ng guro.
Bago tuluyang mama alam si Alex sa naturang eskuwelahan ay nagbigay din siya ng mga regalo para sa mga lahat ng mga bayaning guro ng Lipa Science High School kabilang na ang mga electric fan, bag at marami pang mga kagamitan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.