Alex rumaket bilang teacher ng Team Kramer: We will tutor the English people and I will be the English! | Bandera

Alex rumaket bilang teacher ng Team Kramer: We will tutor the English people and I will be the English!

Ervin Santiago |January 13,2022
facebook
share this

Alex rumaket bilang teacher ng Team Kramer: We will tutor the English people and I will be the English!

Ervin Santiago - January 13, 2022 - 07:44 AM

Alex Gonzaga, Kendra, Scarlett at Gavin Kramer

NAGPASABOG na naman ng katatawanan at good vibes ang  TV host-actress na si Alex Gonzaga sa pinakabago niyang vlog entry YouTube.

This time, nagpaka-teacher naman ang sisteraka ni Toni Gonzaga! At kanyang mga naging “biktima” — ang tatlong anak nina Chesca Garcia at Doug Kramer.

Bumisita si Alex sa napakabonggang bahay ng Kramer family at naging teacher nga for a day nina Kendra, Scarlett at Gavin.

In fairness, nakakaloka at nakakatawa talaga ang mga pinaggagawa ng actress-vlogger kasama ang mga bagets, lalo na nang turuan na niya ang mga ito ng English.

Chika ni Teacher Alex, “For the year 2022, we have to change for the better and not for the worse.

“So, naisip ko ngayon meron akong sideline, I will be an English teacher because year 2022 will be a year of improvement and more on English speaking,” ang dialogue pa ng TV host.

Patuloy pa niyang hirit sa kanyang vlog bago magsimula ang pagganap niya bilang guro, “So today, alam niyo naman na I am very good in English, we will tutor the English people and I will be the English so today ito ang aking first client.”

Sa isang bahagi ng video bago niya simulan ang pagtuturo sa tatlong bata, tinanong muna ni Alex si Doug kung ano ang mga expectations nito sa kanyang klase.

“They should be speaking in English, very American accent so dapat you should be able to improve that,” sagot naman ng mister ni Chesca.

Hirit naman ni Alex sa dating professional basketball player, “Don’t worry, after this session they will have their college diploma.”

View this post on Instagram

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Kaloka ang mga itinuro ni Alex sa mga anak nina Chesca at Doug, lalo na nang mapadako na sila sa tamang pagbigkas at pagbabasa ng mga nakakatuwang phrases with natching math equations pa.

Riot din ang kanilang “art class” na talagang pak na pak sa tatlong magkakapatid. Sinundan pa nila ito ng paglalaro sa bonggang playroom ng mga Kramer.

“New vlog with my new fave students!! Teacher AG for a day with #TeamKramer! Tinuruan ko sila mag-english ang ending ako naturuan nila. Thank you ate @chekakramer and kuya @dougkramer dahil ipinagkatiwala nyo sila sakin ng 1 oras!” ang caption naman ni Alex sa kanyang IG post.

In fairness, milyon na agad ang views sa nasabing vlog ni Alex at umani pa ng napakaraming positive comments para kina Kendra, Scarlett at Gavin.

“THESE KIDS ARE SO NICE!!! Ang super polite nila, and they also know paano makisabay sa jokes ni Alex HAHA, I’m hoping for another video with them,” komento ng isang subscriber ni Alex.

“Kramer kids are very humble and they know how to get along. To Ms. AG, you’re really my happy pill,” sabi naman ng isang netizen.

“Kung ikaw teacher ko di nako uuwe!” hirit naman ng isang IG user.

“Sobra po nasiyahan si gavin sau ate alex at nag enjoy din sila sa pagtuturo moh. next po sana ung Babies ni Sir Patrick Garcia!” komento ng isa pang fan ni Alex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ng isa, “Andami Kong natutunan after ko nanood. HAHAHAHAHA! good job Yung 1+1 Magellan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending