Alex Gonzaga: I am sorry for causing you pain and embarrassment | Bandera

Alex Gonzaga: I am sorry for causing you pain and embarrassment

Therese Arceo |January 18,2023
facebook
share this

Alex Gonzaga: I am sorry for causing you pain and embarrassment

Therese Arceo - January 18, 2023 - 10:22 PM

Alex Gonzaga: I am sorry for causing you pain and embarrassment
NAGSALITA na nga ang pinakakontrobersyal na personalidad ngayong buwan na si Alex Gonzaga kaugnay ng kanyang viral video sa social media.

Sa kanyang social media accounts ay ibinahagi niya ang “lesson” na natutunan niya sa kanyang nagdaang birthday salubong.

“On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment. “I am truly sorry, Kuya Allan,” pagbabahagi ni Alex.

Lubos rin siyang humihingi ng kapatawaran sa waiter na kanyang napahiya sa viral “pahid cake” video niya.

Humingi rin ng sorry ang TV host-actress sa kanyang pamilya na nadamay sa ginawa niya.

“To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person,” sey pa ni Alex.

Nagpakita naman ng suporta ang kanyang asawang si Mikee Morada na naglabas rin ng pahayag sa kanyang Facebook account.

“Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali,” mensahe niya kay Alex.

Dagdag pa niya, “Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo. Pero may awa Ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat. I love you!”

Matatandaang usap-usapan si Alex matapos mag-viral ang video na kuha mula sa kanyang birthday salubong kung saan pinahiran niya ng icing ang waiter na may hawak ng kanyang cake pgkatapos niyang hipan ang mga kandila nito.

Related Chika:
Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Alex Gonzaga masama raw ang ugali sabi ng mga nakatrabaho sa likod ng kamera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin na-witness rin noon ng pagiging late ni Alex Gonzaga: Parang ganu’n sa sinabi ni Dina!

Mo Twister tinawag na ‘stupid’ at ‘narcissist’ si Alex Gonzaga: ‘Come on guys, she was drunk!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending