Janno, Melissa inalala ang kaarawan ng yumaong ama na si Ronaldo: Miss you!
MISS na miss ng magkapatid na sina Janno at Melissa Gibbs ang yumao nilang ama na si Ronaldo Valdez.
Ito ang ibinandera nila sa social media kasabay ng pagdiriwang ng ika-77th birthday ng legendary actor.
Sa Instagram, ibinahagi ni Janno ang isang video na ipinapakita ang ilang throwback pictures nilang mag-ama habang kinakanta nila ni Ronaldo ang sarili nilang rendition ng “Just the Two of Us.”
Kalakip niyan ang caption na, “Happy [birthday] Papa! Miss you always.”
Baka Bet Mo: Janno Gibbs pangarap maging ‘senador’, pero bakit hindi nag-file ng CoC?
View this post on Instagram
Si Melissa naman, nag-post sa IG Story ng lumang picture na makikitang magkayakap sila ng ama niya noong siya’y bata pa.
Wika niya, “Happy birthday papa. I wish I could hug you like this today.”
May post din ang misis ni Janno na si Bing Loyzaga, pati ang kanilang anak na si Alyssa upang batiin ang yumaong aktor.
“Cheers Pepe on your birthday! Miss you,” mensahe ni Bing.
Gayundin ang inilahad ni Alyssa sa IG Story, “Happy birthday Pepe, we miss u so much [brown heart emoji].”
Magugunitang December last year nang matagpuang patay sa kanyang kwarto ang iconic actor.
Halos limang dekada sa showbiz si Ronaldo at ilan lamang sa mga naging proyekto niya ay ang “2 Good 2 Be True” kasama ang dating mag-dyowna na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pati na rin ang “Cedie: Ang Munting Prinsipe,” “Pepe en Pilar,” “Fe, Esperanza, Caridad,” “Seven Sundays” at “The Mistress.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.