Fifth Solomon shookt sa binayaran sa sinehan nang manood sa 1st Summer MMFF: ‘Grabe! Sabi ko nga, kakain pa ba tayo, after?!' | Bandera

Fifth Solomon shookt sa binayaran sa sinehan nang manood sa 1st Summer MMFF: ‘Grabe! Sabi ko nga, kakain pa ba tayo, after?!’

Ervin Santiago - April 18, 2023 - 07:04 AM

Fifth Solomon shookt sa binayaran sa sinehan nang manood sa 1st Summer MMFF: ‘Grabe! Sabi ko nga, kakain pa ba tayo, after?!'

Ryza Cenon, Xian Lim at Fifth Solomon

HOPING and wishing ang writer-director na si Fifth Solomon na maraming manonood at kumita sana ang bago niyang pelikulang “Sa Muli.”

Produced by Viva Films, ito’y pinagbibidahan nina Xian Lim at Ryza Cenon na magtatambal nga sa kauna-unahang pagkakataon.

Aminado si Direk Fifth na hindi naging maganda ang resulta sa takilya ng mga past movies na ginawa niya, kabilang na ang “Dulo” starring Diego Loyzaga and Barbie Imperial at ang “The Exorsis” nina Toni at Alex Gonzaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ganito rin ang nangyari sa latest movie niyang “Single Bells” na pinagbidahan uli ni Alex kasama si Angeline Quinto. Isa ito sa mga official entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival.

Sa presscon ng “Sa Muli”, natanong si Fifth kung ano ang tingin niyang dahilan kung bakit hindi masyadong pumapalo sa takilya ang mga ginawa niyang pelikula.

Baka Bet Mo: Dennis Trillo labis ang pasasalamat sa mga tumangkilik sa ‘Maria Clara At Ibarra’

“I think hindi yung material, e. Maganda naman sila at magagaling din naman ang mga actors ko. Maganda din naman ang mga reviews. So, I think, it’s the timing,” pahayag ng batambatang direktor.

Patuloy pa niyang paliwanag, “At the time kasi na ni-release yung mga una kong pelikula, pandemya. Ngayon naman lumuwang na, yung mga tao naman parang travel ang gusto.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Isa pa sa mga dahilan ay ang pagtaas ng bayad sa sinehan, “Alam ko yan. Personally, naramdaman ko yan. Kasi nagulat talaga ako nu’ng nanood ako ng pelikula recently, Summer MMFF.

“Grabe more than P1,000 ang nagastos naming magkakaibigan. Parang, ‘Naku kakain pa ba tayo, after?’ So yun, mahirap.

“Ako, I think it’s about time we lower ticket prices. Babaan ang tax. Para maging madali naman para sa mga manonood,” pahayag pa ni Direk Fifth.

Naikuwento rin niya ang naranasang depression at anxiety habang ginagawa nila ang “Sa Muli” na kung tawagin niya ay “passion project.”

“Nagsimula kaming mag-shoot 2020 pa, imagine? Inabutan kami ng kung ano-ano, kasama na ang sunod-sunod na lockdowns. Pero ako talaga, dahil mahal ko ang pelikula, sabi ko, no matter what tapusin natin ito,” sey ni Fifth.

Paglalarawan naman niya sa kuwento ng pelikula, “It is about love and reincarnation. Mabusisi, mahirap pero I think we came up with a very good film. Hopefully, magustuhan ng mga manonood.”

Showing na ang “Sa Muli” sa lahat ng sinehan nationwide sa April 26.

Coco Martin muling nanggulat sa bagong pasabog ng ‘Ang Probinsyano’; Fifth Solomon may pa-dyowa reveal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ken, Rita napagkakamalang tunay na mag-asawa: Malalim na ang relasyon namin…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending