Fifth Solomon nag-masters ng kursong film sa Australia, pero... | Bandera

Fifth Solomon nag-masters ng kursong film sa Australia, pero…

Reggee Bonoan - September 11, 2018 - 12:40 AM


CURIOUS kami kung paano maging seryoso sa isang pelikula sina Alex Gonzaga, Jerald Napoles, Joj Agpangan, Candy Pangilinan at Rufa Mae Quinto.

Kilala kasi silang mga komedyante, isama pa ang direktor nilang si Fifth Solomon kaya ano ang ie-expect natin sa pelikula nilang “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka” mula sa Wilbros Films at showing na sa Set. 19.

Sinong mag-aakala na ang dating housemate sa Pinoy Big Brother All In ay isa nang ganap na direktor at ang unang pelikula pa niya ay kapareho ng concept ng mga pelikula nina Jason Paul Laxamana, Sigrid Andrea Bernardo, Antoinette Jadaone at Irene Villamor na dalawa lang ang karakter.

Pero bago naman humarap sa camera si Fifth ay nag-aral muna siya sa Australia ng fimmaking. Kuwento niya, “Nag-aral naman ako, nag-masters ako ng film sa Australia. Hindi ko nga tinapos kasi dinugo ako sa accent doon (sabay tawa), ang hirap, eh. Napagod na po kasi akong maghugas ng mga baso at pinggan at magtimpla ng kape.

“Pero babalik naman po ako sa Australia, tatapusin ko. Gusto ko lang po munang mag-ambag sa pelikulang Filipino. Laking-pasalamat ko kasi pinagbigyan ako ni Alex na maging bida sa movie at siyempre sa kaibigan din naming producers,” ani Fifth.

Nakuha kaagad ang atensyon ng karamihan nang mapanood nila ang trailer ng “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka” dahil intriguing daw.

Ang kuwento ni Fifth, “Ano po ito, hindi the usual formula, may dramatic na pag-angal. Makaka-relate kasi realistic sa ending, pag-iisipin ka, unexpected. Tapos ‘yung movie po naming realism may halong fantasy.

“Kung may clinic na magtatanggal ng puso mo, ipatatanggal mo ba ang puso mo para mawala na rin ang sakit at mga alaala, ganoong tipo po,” aniya.

At dahil obvious naman sa titulo na tungkol sa moving-on ang kuwento ay natanong ang mga artistang dumalo sa presscon kung paano ba mag-move on o ano ang maipapayo nila sa mga dumaranas ng pighati sa kanilang buhay pag-ibig.

“Siguro kinakalimutan hanggang sa dulo nakalimutan na. Kasi meron akong paniniwala na sometimes you have to fake it till you make it. Iko-convince mo ‘yung sarili mo na masaya ka, iko-convince mo ‘yung sarili mo na nakalimutan mo na siya kahit hindi pa. Tapos one day gigising ka, hindi mo na kailangan mag-effort kasi totally nakalimutan mo na talaga and wala ka ng feelings,” payo ni Alex.

Para kay Jerald, “Yung pagputol sa communication. If you want a concrete tip, ‘yun ‘yun. Wala muna kayong communication. Gawa muna kayo ng time sa sarili niyo tapos leave the next time for closure.”

At dahil nasubukan na ring mabigo sa pag-ibig, sabi naman ni Joj, “Always remember self-love. Kasi if hindi ka talaga magtitira sa self mo, walang maiiwan sa ‘yo. Ikaw talaga ‘yung kawawa sa dulo. Self-love is not selfish but it’s important.”

Bagama’t hindi pa nakaranas magkaroon ng boyfriend si Keiko Necessario ay ramdam din niya kung paanong masaktan, “I’m very religious so, I pray about it. Parang combination siya ng ano ni Lord at saka ng decision mo. Ibibigay naman niya ‘yung choices, na sa ‘yo ‘yung pakikinggan mo. Sa akin ganu’n lagi.

“Mahirap kasi ako makalimot kasi never pa ako nagka-boyfriend, as in NBSB (no boyfriend since birth) kasi I’m waiting for the right one and I think there’s nothing wrong with that. Pero na-in love na ako.

Siguro tatlong beses akong nagmahal talaga and pinakamasakit siguro for me three years ago ‘yun ‘yung kailangan i-remind mo ‘yung sarili mo na kailangan mong makalimot.

“You have to let go talaga para mas ma-forgive mo ‘yung nangyari sa inyong dalawa, ma-forgive mo ‘yung sarili mo, it’s all about the process of healing and you have to acknowledge your emotions as well,” aniya pa.

Hmmmm, kaya siguro bumalik ng Pilipinas si direk Fifth dahil aminadong broken hearted din siya at ang paggawa ng pelikula ang ginawa niyang dahilan para makapag move on.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya, “Mahirap talaga mag-move on. Sobrang sakit siya eh, lalo na pag nasanay ka tapos isang araw wala na. Ang ginagawa ko nililibang ko na lang ‘yung sarili ko sa trabaho, nagsa-shopping, ganu’n. Yung nanakit kasi sa akin sa Australia naman so mahal, hindi ko na hinabol, may visa pa eh (sabay tawa). Tanggapin mo na lang na kailangan mo na siyang kalimutan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending