Fifth Solomon nami-miss ang paggawa ng pelikula

Fifth Solomon nami-miss ang paggawa ng pelikula: Ang dami kong nawalang project dahil sa kagagahan ko!

Pauline del Rosario |June 08,2023
facebook
share this

Fifth Solomon nami-miss ang paggawa ng pelikula: Ang dami kong nawalang project dahil sa kagagahan ko!

Pauline del Rosario - June 08, 2023 - 06:03 PM

Fifth Solomon nami-miss ang paggawa ng pelikula: Ang dami kong nawalang project dahil sa kagagahan ko!

PHOTO: Instagram/@fifthsolomon

TILA may mga pinagsisisihan ngayon ang writer-director na si Fifth Solomon matapos tanggihan ang ilang mga proyekto.

Ayon sa kanyang latest Instagram post, nalulungkot siya dahil namimiss na niya ang paggawa ng pelikula.

Inamin pa niya na nagkamali siya na hindi tinanggap ang ilang proyekto na ibinigay at inalok sa kanya.

“I miss filmmaking. Ang dami kong nawalang project dahil sa kagagahan ko. Wrong decisions. Wrong move,” kwento niya sa kanyang IG.

Chika pa niya, “‘Yung tipong ang OC ko sa script kaya ‘di ko tinanggap ‘yung ibang projects.”

Baka Bet Mo: Coco Martin muling nanggulat sa bagong pasabog ng ‘Ang Probinsyano’; Fifth Solomon may pa-dyowa reveal

Inilahad pa niya kung ano-ano ang mga napagtanto niya sa kanyang mga maling desisyon.

“Now mas nare-realize ko na dapat ‘di na ako nakialam sa script. Idinirek ko nalang,” sambit ni Fifth.

Dagdag pa niya, “‘Di ako sanay na tengga ako ngayon. Na wala ako dinidirek. Di rin ako makasulat coz I don’t feel inspired. Kaya wala ako mabigay na scripts sa producers ko. Kaya wala ako ma-shoot.”

Inamin pa ng writer-director na talagang nalulumbay siya ngayon at sobrang nagsisisi.

Bukod sa kanyang mental health, nadadamay na rin daw ang kanyang boyfriend sa kanyang problema.

“Dinidibdib ko ang lahat ngayon. I feel lost. I feel defeated. Puro regrets ang nasa utak ko. Pati boyfriend ko na-aaffect na,” sey niya.

Hiling pa niya, “Sana makabawi ako. Sana makaulit pa ako. Sana makabangon ako. Sana ngayon lang ‘to. Sana malampasan ko din ‘to.”

“Gusto ko na ulit gawin ‘yung mga bagay na nagpaparamdam sa akin na buhay ako, na may kahulugan ito,” saad niya sa post.

Ani pa ni Fifth, “‘Di ko maintindihan sa ngayon pero sana balang araw magising ako at malaman ko kung bakit nangyayari ang mga ito.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fifth Solomon (@fifthsolomon)

Maraming netizens naman ang nagpaabot ng suporta sa kanya at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.

“We all go through that nak @fifthsolomon don’t worry and we all need to have a thirst for God coz that’s the only way that we could find true peace, real satisfaction and genuine love. Plus the right direction [emojis].”

“Mahigpit na yakap. You’ll get through this, direk! [pink heart emojis].”

“All things end. Including slumps and spells of self-doubt. Ya got thissss!”

Related Chika: 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chariz Solomon, Valeen Montenegro pangarap makilala bilang female version ng iconic comedy duo na Dolphy-Panchito at Ogie-Bitoy

Chariz Solomon: Ang nakuha ko talaga sa Bubble Gang mas marami pang pera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending