Chariz Solomon, Valeen Montenegro pangarap makilala bilang female version ng iconic comedy duo na Dolphy-Panchito at Ogie-Bitoy | Bandera

Chariz Solomon, Valeen Montenegro pangarap makilala bilang female version ng iconic comedy duo na Dolphy-Panchito at Ogie-Bitoy

Ervin Santiago |May 01,2023
facebook
share this

Chariz Solomon, Valeen Montenegro pangarap makilala bilang female version ng iconic comedy duo na Dolphy-Panchito at Ogie-Bitoy

Ervin Santiago - May 01, 2023 - 06:09 AM

Chariz Solomon, Valeen Montenegro pangarap makilala bilang female version ng iconic comedy duo na Dolphy-Panchito at Ogie-Bitoy

Chariz Solomon at Valeen Montenegro

WISH ng mga Kapuso comedienne na sina Chariz Solomon at Valeen Montenegro na makilala rin bilang isa sa mga pambatong comic duo sa Pilipinas.

In fairness, talagang nagmarka ang team-up nina Chariz at Valeen sa longest-running gag show sa bansa na “Bubble Gang“, lalo na sa nakakalokang segment nila na “Balitang Ina.”

Ayon sa dalawang komedyana, kung sikat sa pagpapatawa ang tambalan nina Dolphy at Babalu, Babalu at Redford White, at Ogie Alcasid at Michael V., gusto nilang makilala rin bilang mga babaeng comedic duo sa mundo ng telebisyon at pelikula.

“Alam mo wala tayong duo na babae na komedyante. Gusto ko talaga na magkaroon ng duo na babae. Kasi meron na tayong icons na Ai Ai (delas Alas), Eugene Domingo, Pokwang,” ang pahayag ni Chariz sa online talk show na “Just In.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valeen Montenegro (@valeentawak)


“Wala tayong (duo na babae). Katulad ng parang Bitoy-Ogie, si Babalu-Redford. Para maiba, parang kaya naman, eh,” aniya pa.

Every Friday, ay talagang abangers ang Kapuso viewers sa tandem nina Chariz at Valeen bilang sina Mommy Karen at Mommy Vicky sa comedic sketch na “Balitang Ina” ng “Bubble Gang.”

Baka Bet Mo: Fifth Solomon shookt sa binayaran sa sinehan nang manood sa 1st Summer MMFF: ‘Grabe! Sabi ko nga, kakain pa ba tayo, after?!’

“Alam mo, ngayon lang ako nakilala talaga dahil doon sa ‘Balitang Ina’ sa Bubble Gang. Tsaka siyempre sa Pepito (Manaloto),” sabi pa ni Chariz.

Lantaran namang sinabi ng host ng “Just In” na si Paolo Contis na isa rin siya sa mga fans nina Chariz at Valeen at umaasa siya na sana’y magkaroon nga ang mga ito ng comedy series in the future.

“Ako, gusto ko, lalo sa inyo, ang galing niyo eh,” ani Paolo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chariz Solomon (@chariz_solomon)


Ngunit para kina Chariz at Valeen, super happy na silang makatrabaho ang mga magagaling na komedyante sa industriya, tulad nina Paolo at Michael V na matatawag na ring mga beterano pagdating sa pagpapatawa.

“Ako, masaya na kasi kami sa mundo natin na kayo ‘yung ka-work namin. And ‘yung level, elbow to elbow tayo,” sey ni Chariz.

“Contented,” ang maikling pahayag naman ni Valeen na super thankful din dahil hanggang ngayon ay napapanood pa rin siya sa “Bubble Gang” na ilang dekada na ngayong nagpapasaya sa mga manonood.

Chariz Solomon: Ang nakuha ko talaga sa Bubble Gang mas marami pang pera!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Valeen Montenegro handa nang magpakasal sa non-showbiz dyowa: ‘I’m waiting na lang…charot!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending