Sylvia original ‘adventure buddy’ ni Arjo: ‘Ako ‘yan dati, Maine…pero masaya ako na ikaw na ang kasama’
TILA napa-senti mode ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez matapos ibandera sa social media ang video ng kanyang anak na si Arjo at ni Maine Mendoza habang nasa roller coaster ride.
Kwento ng veteran actress, sa tuwing napapanood niya ang nasabing video ay naaalala raw niya ang mga panahon na siya ang laging kasama ni Arjo pagdating sa mga amusement rides.
Caption niya, “Watching this brings back so many memories! Dati pag gusto mong mag-roller coaster, ayaw mong sumakay mag isa, ako lagi ang niyayaya mo. Ganyan ka na bata palang.”
Patuloy niya, “Wala pa ring pinagbago, sigaw at tawa ka pa rin hahaha.”
Ngayon daw ay masayang-masaya si Sylvia dahil si Maine na ang pumalit sa kanya at nakaligtas na rin daw siya sa pag-aaya ni Arjo.
“Ngayon, masaya akong makita na may iba ka nang nakakasama at ligtas na ako sa pagyayaya mo,” sey ng batikang aktres.
Mensahe pa niya sa dalaga, “Ako yan dati, Maine. Ngayon, you’re Arjo’s constant adventure buddy! Thank you, Maine [red heart emoji] My heart is full! Love you both [kiss emoji].”
Baka Bet Mo: Maine Mendoza, Arjo Atayde gusto nang magka-baby, posibleng ikasal sa 2023
View this post on Instagram
Makikitang napa-comment mismo si Arjo at sinabing, “thank you ma!!! I love you more [red heart emoji].”
Gayundin si Maine na naglagay ng marami heart emojis.
Dahil din sa post ay tuwang-tuwa ang libo-libong netizens at sinabing maswerte si Maine dahil super suportado sa kanya ang soon-to-be mother-in-law.
Narito ang ilang komento na aming nabasa:
“‘Yung magkaroon ka lang ng ganitong mother-in-law, yung may mabuting puso. Nakaka-blessed na talaga [purple heart emoji].”
“Tagos sa heart ang message [red heart emoji].”
“This is so touching, and I am happy because Arjo finally found someone as strong and kind-hearted like his mom to be his constant adventure buddy. Truly Maine and Arjo are made for each other.”
Related Chika:
Liza nangako kay Enrique: To more adventures and growing old together, I love you so, so, so much!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.