Liza nangako kay Enrique: To more adventures and growing old together, I love you so, so, so much! | Bandera

Liza nangako kay Enrique: To more adventures and growing old together, I love you so, so, so much!

Ervin Santiago |April 01,2021
facebook
share this

Liza nangako kay Enrique: To more adventures and growing old together, I love you so, so, so much!

Ervin Santiago - April 01, 2021 - 10:47 AM

IBINANDERA ni Liza Soberano sa buong universe ang kanyang pagmamahal kay Enrique Gil at ang pangako nitong “forever” sa kanilang pagsasama.

Super kilig ang LizQuen fans sa tagos sa pusong birthday message ng Kapamilya young actress para sa kanyang boyfriend.

Nitong nagdaang Martes, March 30, nagdiwang ng kanyang 29th birthday si Enrique at siyempre, isa si Liza sa mga unang bumati sa kaarawan ng aktor.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Liza ng litrato ni Enrique na may caption na, “Happy birthday to the loml (love of my life). I can’t wait to make so many more great memories with you.

“To more adventures and growing old together. I love you so so so much!” dugtong ni Liza na ang ibig sabihin ay talagang nakikita na niya ang sarili na magiging asawa ng aktor in the future.

Bukod dito, isang video rin ang ipinost ng dalaga sa IG kung saan mapapanood ang ilang eksena sa ginawa nilang pagta-travel nitong mga nakaraang taon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dito, sinabi ni Liza na nais pa niyang makasama ang boyfriend sa loob nang mahabang panahon para mas marami pa silang mapuntahang lugar na pangarap nilang marating together.

“It’s your birthday today but we can’t travel like we normally do on this occasion.

“This is the second year in a row and I feel so bad cause you’re all cooped up at home when you should be exploring the world, but you never complain and that’s what I love about you!

“I pray that this pandemic will end soon and for good health for you and the people dearest to you. I can’t wait to travel the world again with you my travel buddy @enriquegil17!!” ang bahagi pa ng birthday message ni Liza para kay Enrique.

In fairness, kasal na lang talaga ang kulang sa Kapamilya couple dahil ilang taon na rin silang magkarelasyon at palagi naman nilang sinasabi na natagpuan na nila ang “forever” sa piling ng isa’t isa.

Kaya yan ang inaabangan ng milyun-milyon nilang tagasuporta pati na rin ng kanilang mga kaibigan sa showbiz. Sila na nga kaya ang susunod na mag-a-announce this year ng engagement after nina Derek Ramsay at Ellen Adarna?

Kamakailan, dinenay ni Liza ang chika na nag-propose na sa kanya si Enrique. May nagkomento kasi sa isa niyang IG post na fiancée na raw siya ng aktor.

Tweet naman ng Kapamilya star, “I’m sorry to burst your happy bubble but if I was engaged, I would be loud and proud. I wouldn’t hide it.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, noong 2019 umamin si Liza na taong 2014 pa sila nagde-date ni Enrique. Ito rin yung panahong umariba nang todo ang kanilang loveteam dahil sa teleserye nilang “Forevermore.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending