Mahal, Mura instant adventure ang muling pagkikita | Bandera

Mahal, Mura instant adventure ang muling pagkikita

Therese Arceo - August 17, 2021 - 03:37 PM


MATAPOS mag-viral ang isang vlog kung saan na-feature si Allan Padua o mas kilala bilang Mura, nagdesisyon si Mahal na dalawin at kumustahin ang lagay ng kanyang ka-loveteam noon.

Isang mahabang joyride ang kinaharap nito kasama ang rumored boyfriend na si Mygz Molino papunta sa tirahan ni Mura.

Inabot rin ng mahabang oras ang byahe ng dalawa at naligaw na papunta kila Mura. Kalaunan, nagdesisyon sila na magpalipas muna ng gabi sa plaza dahil hindi na nila ma-contact si Mura.

Kinaumagahan ay sinundo ni Mura sila Mygz para masamahan papunta sa kanilang tahanan.

Nagulat naman ito nang makita si Mahal na kasama dahil ang alam nito ay hindi ito kasama.

“Sabi mo hindi ka kasama,” saad ni Mura.

“Surprise nga eh,” sagot naman ni Mahal.

“Anong sopas? Di ako nakapagluto ngayon,” biro naman ni Mura.

“Surprise ‘yun, sur-prise,” natatawang sabi ni Mahal.

“Ah, surprise,” natatawang sang-ayon ni Mura.

Naging instant adventure ang muling pagkikita ng dalawa dahil basa ang daan paakyat kila Mura.

Bundok kasi ito at mahihirapan ang sasakyan na umakyat dahil may tsansa na tumirik ito dahil malambot ang lupa.

Success naman ang adventure at nagpasalamat ang dalawa sa mga kamag-anakan ni Mura sa pagtulong sa kanila para makarating sa bahay ni Mura.

Chikahan naman agad ang tatlo habang nagpapahinga matapos ang halos dalawang oras na paglalakad.

Tinanong ng mga ito ang kasalukuyang kalagayan ni Mura.

“Heto nga, hindi ako makapag-work. Medyo lumiit na kasi ‘yung isa (binti) ‘di ba? Mahina na, parang namanhid na,” lahad ni Mura.

“Kahit ito (sabay tapik sa kanang braso), parang na-ano na rin siya, mahina,” dagdag pa nito.

Ayon sa kaniya, noon raw ay lumakas na ang kanyang balakang matapos ang aksidente nito noong 2010 kung saan nag-crack ito ngunit muli siyang nakaramdam ng sakit noong lumipas na taon.

Bago pala ang pagdalaw ng dalawa ay nagpadala na ito ng tulong pinansyal para sa kaibigan na ibinili nito ng kaniyang pangangailangan tulad ng gatas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huling nagkita ang dalawa noong eleksyon, dalawang taon na ang nakakalipas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending