Mura 3 beses nasunugan: 'Di ko alam kung saan mag-uumpisa...

Mura 3 beses nang nasunugan: Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa…

Ervin Santiago |May 07,2024
facebook
share this

Mura 3 beses nang nasunugan: Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa…

Ervin Santiago - May 07, 2024 - 04:05 PM

Mura 3 beses nang nasunugan: Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa...

NAPAKASAKIT ng iyak ng dating komedyante na si Mura matapos masunog ang kanilang bahay sa Ligao, Albay.

Ilang taong pinaghirapan ni Mura at ng kanilang pamilya ang pagpapatayo ng kanilang tahanan ngunit sa isang iglap lang ay natupok nga at nawala na parang bula.

Bukod sa mahahalagang kagamitan, nasunog din daw ang mga regalo sa kanya ng namayapang kaibigang si Mahal na tine-treasure niya

Nagkuwento si Mura o Allan Padua sa tunay na buhay, sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” at dito nga niya naibuhos ang sobrang kalungkutan at panghihinayang sa natupok nilang buhay.

Nangyari ang insidente noong April 27 at dahil nga raw malayo ang bumbero sa kanilang lugar ay hindi agad nakaresponde ang mga ito at halos wala rin daw silang naisalbang gamit.

Baka Bet Mo: Mura nasunugan ng bahay, nakatira sa waiting shed

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sa tagal mong nagtrabaho, pinaghirapan mo rin ito, hindi mo alam ganito rin lang mangyayari ulit. Kasi pangatlong sunog namin ito. Nakakalungkot lang kasi bigla rin siyang nawala,” ang umiiyak na pahayag ni Mura.

“Hindi ko alam, iyon ang masakit. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Bakit kasi ito nangyayari sa amin.

“Kung puwede lang magpahinga na rin lang ako…tuloy-tuloy na yung pagpahinga ng buhay ko rin,” aniya pa.

Pagbabahagi pa ni Mura, may isang kuwarto raw sa itaas ng kanilang bahay na pinamahayan ng bubuyog kaya ang ginawa raw ng kanyang ama ay pinausukan ito sa pamamagitan “onlong” o iyung sinunog na bahagi ng puno ng niyog.

Baka raw may bagang nahulog mula sa onlong hanggang sa kumalat ang apoy. Posibleng hindi raw napansin ng kanyang tatay na malabo na rin ang mga mata

“Matanda na rin si Papa, malabo na rin ang mga mata. Mahirap naman pagsabihan mo baka kung ano pang mangyari sa kanya,” sey ni Mura.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay naninirahan pansamantala si Mura at ang kanang tatay sa kanilang tiyahin sa Ligao.

Matatandaang nagpahinga sa showbiz si Mura para pagtuunan ang pagtatanim sa kanilang probinsya. Ngunit naaksidente ang komedyante noong 2010 sa tricycle at napuruhan ang balakang at hindi na nga nakapaglakad nang maayos.

Bukod dito, hindi rin makalakad ngayon ang kanyang ama matapos madulas nang puntahan ang nasunog nila bahay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending