Mura natakot nang tamaan ng pneumonia: Naalala ko kasi si Mahal, wala na... | Bandera

Mura natakot nang tamaan ng pneumonia: Naalala ko kasi si Mahal, wala na…

Ervin Santiago |October 06,2021
facebook
share this

Mura natakot nang tamaan ng pneumonia: Naalala ko kasi si Mahal, wala na…

Ervin Santiago - October 06, 2021 - 02:19 PM

Mura

NAG-AALALA ang dating komedyante na si Mura dahil sa lagay ng kanyang kalusugan ngayon.

Nalaman kasi ni Mura o Allan Padua sa tunay na buhay na meron siyang pneumonia base sa resulta ng kanyang check-up kamakailan.

Inamin ng komedyante na natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya dahil alam niyang ito rin ang isa sa mga naging dahilan ng pagkakasakit at pagkamatay ng kaibigan niyang si Mahal.

Kung matatandaan, pumanaw si Mahal matapos ma-confine ng ilang araw sa ospital dahil sa severe acute respiratory distress syndrome at COVID-19.

Ayon kay Mura, sa tulong ng kaibigan niyang YouTube vlogger na si Virgelyncares 2.0 ay nakapagpatingin agad siya sa doktor at doon nga nalaman na tinamaan na nga siya ng pneumonia. 

Base sa resulta ng kanyang medical test, apektado daw ang upper left lung ni Mura. Ang good news naman ay normal pa rin ang kanyang puso at iba pang vital organs. 

“’Yung baga ko nga kasi may pumupulupot na parang ulap, ganu’n. Papunta raw sa pneumonia ba yon? Naalala ko kasi si Mahal, wala na. So, sana maagapan,” ang simulang kuwento ng komedyante sa kaibigan niyang vlogger.

Tinanong naman ni Virgelyncares 2.0 kung ano ang pakiramdam niya at kung kumusta ang kanyang paghinga, sagot ni Mura, “Nahihirapan nga, eh. Parang may plema dito sa dibdib.

“Ang gamot na iniinom ko ubos na, eh. Gusto kong ma-continue ba ang pag-inom kung anong klaseng gamot para mabilis gumaling,” aniya pa.

Sey ng komedyante, dati na raw siyang may asthma pero hindi niya maiwasan ang paninigarilyo kaya baka raw dito niya nakuha ang kanyang sakit.

“Hindi naman ako umiinom, eh. Yosi lang dati. Pero tatlong linggo na akong walang yosi,” sabi pa ni Mura.

Kasunod nito, ibinalita nga ng kaibigang vlogger ni Mura ang  resulta ng kanyang check-up kung saan kinumpirma ng doktor na meron siyang pneumonia. 

In fairness, hindi na siningil ng doktor si Mura para sa ginawang check-up sa kanya kaya wala na raw siyang dapat ipag-alala at binigyan pa siya ng mga gamot.

Bukod dito, binigyan din ng vlogger si Mura ng kaunting financial assistance para magamit nito sa pagbili sa ilan niyang pangangailangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, si Virgelyn din ang unang nagbalita sa kanyang vlog ng buhay ngayon ni Mura bilang magsasaka sa lugar nila sa Bicol. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending