Pagdagsa ng maraming ibon sa Bicol region premonisyon ba?

Pagdagsa ng sandamakmak na ibon sa Bicol region premonisyon nga ba?

Ervin Santiago - November 16, 2024 - 01:29 PM

Pagdagsa ng sandamakmak na ibon sa Bicol region premonisyon nga ba?

PHOTO: Courtesy of Brigada News FM Legazpi

NAGDULOT ng tensiyon at pagkabahala sa ilang netizens ang pagkalat ng mga litrato at video ng sandamakmak na ibon sa iba’t ibang lugar sa Bicol region.

Ang paniwala kasi ng ilang nakasaksi sa pagdagsa ng napakaraming ibon sa kalangitan na nasaksihan sa ilang probinsya sa Kabikulan ay may nais itong iparating sa taumbayan.

Base sa napanood naming video sa Facebook, makikita nga ang paglipad ng sangkatutak na ibon sa iba’t ibang lugar sa Bicol na tila may kakaibang dating sa mga nakakita.

Base sa report ng Brigada News FM Legazpi City kahapon, November 15, may mga residente ang nagsabing hindi raw normal ang kilos ng naturang mga ibon sa kanilang lugar.

Mas nangilabot pa ang ilang taga-rehiyon nang magliparan ang laksa-laksang mga ibon matapos ang maging pula ang kulay ng kalangitan sa naturang lugar kamakailan.

Bakat Bet Mo: Piolo binigyan ng ‘anak’ si Alessandra: ‘Masaya ako’t nagsilang ka ng ibon’

Isabay pa ang pag-anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa napipintong pananalasa ng bagyong Pepito na inaasahang tatama muli sa Bicol Region.

Kasunod nito, may mga netizens nga ang nagkomento na nababahala sila dahil posibleng isang pangitain ang pagpula ng langit at pagdagsa ng mga ibon na may magaganap na sakuna.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon mula sa socmed kung saan may mga naniniwala sa pangitan at meron din namang hindi.

“Nature sign na may darating kalamidad.”

“Ingat po masamang pangitain po.”

“Pahiwatig na may paparating na masamang panahon.”

“‘Wag naman po sana..lord ikaw na po bahala.”

“Kung taga-Albay ka at madalas tumambay sa may Capitol, alam mo na every afternoon takipsilim ganiyan ang scenario diyan.”

“Diyan ‘yan sa Kapitolyo nagkasilong mga Ibon na ‘yan marami talaga ‘yan sila.”

“Ganyan naman talaga ang mga hayop di rin makampanti kung may paparating na kalamidad.”

“Normal lang po iyan Lalo na pag agaw kan diklom liwanag po.”

“THEY HAVE ALWAYS BEEN LIKE THAT EVERY AFTERNOON, EVEN BEFORE. Don’t cause unnecessary fear.”

“D’yan talaga tambayan nila.”

“Kalma lang po. Matagal na yan jan kahit walang bagyo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So meant to say, maghanda na din kayo sa Albay, mas ramdam nila kasi nasa himpapawid sila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending