Arjo Atayde ibinandera ang Pinas sa Cannes, may pa-shoutout sa OFWs: Kayang-kayang makipagsabayan ng mga Pinoy
NANINIWALA ang actor-public servant na si Arjo Atayde na kayang-kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa ibang bansa pagdating sa paggawa ng pelikula at teleserye.
Nagtungo ang kongresista at award-winning Kapamilya actor sa France para iwagayway ang bandera ng Pilipinas sa ginanap na MIPCOM Cannes, ang sinasabing “largest content market in the world”.
Nagkaroon ng international premiere ang movie-series niyang “Cattleya Killer” sa nasabing event na ipinrodyus ng ABS-CBN at ng kanilang Nathan Studios.
Nakasama niya roon ang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde at ang kapatid na si Ria bilang mga representative ng Nathan Studios.
Kasama ni Arjo sa nasabing proyekto sina Jake Cuenca, Christopher de Leon at Zsa Zsa Padilla.
“Kayang makipagsabayan ng mga Pinoy. We’re here now in Cannes doing that. We have to step forward.
View this post on Instagram
“We have to move forward. There’s so many things we have to consider to be able to move forward and keep up with the other countries,” ani Cong. Arjo sa panayam ng Star Magic.
Naiyak pa nga raw si Arjo habang nagpapasalamat sa audience pagkatapos ng screening ng “Cattleya Killer,” “More than individual interests, it is really to represent the Philippines.
“We will continue to inspire to bring out the message. This is such an experience. We dedicate this to all Filipinos,” mensahe ni Arjo sa mga nakapanood ng “Cattleya Killer.”
“This is for ABS-CBN. This is for all OFWs, all the Filipinos.
“It is so inspiring to see such people who seek for different stories, different cultures. But at the same time, we all fall in one place which is here in MIPCOM because we all have the same passion and all the same love for this industry,” aniya pa.
Ang major objective ng pagpapalabas ng pilot episode ng six-part series na “Cattleya Killer” sa MIPCOM Cannes ay para mahikayat din ang mga industry decision makers for a global distribution partner.
Arjo napiling bida sa remake ng ‘Sa Aking Mga Kamay’ ni Aga: “I can’t do what he did but…
Heart agaw-eksena sa 75th Cannes filmfest; pasabog ang suot na gown na mala-Disney Princess
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.