'Cattleya Killer' ni Arjo Atayde eeksena sa MIPCOM Cannes festival 2022; nangangamoy best actor na naman | Bandera

‘Cattleya Killer’ ni Arjo Atayde eeksena sa MIPCOM Cannes festival 2022; nangangamoy best actor na naman

Ervin Santiago |September 20,2022
facebook
share this

‘Cattleya Killer’ ni Arjo Atayde eeksena sa MIPCOM Cannes festival 2022; nangangamoy best actor na naman

Ervin Santiago - September 20, 2022 - 08:12 AM

Arjo Atayde

SIGURADONG hahakot na naman ng best actor award ang actor-public servant na si Arjo Atayde sa bago niyang proyekto, ang suspense-thriller na “Cattleya Killer.”

Yes, kahit na nga super busy na ngayon si Arjo bilang 1st District Representative ng Quezon City, hindi pa rin niya tatalikuran ang pag-arte kung mabibigyan ng pagkakataon at sapat na panahon.

Natapos na ng batang kongresista ang shooting ng nasabing serye mula sa produksyon ng ABS-CBN at balitang magkakaroon nga ng world premiere sa MIPCOM Cannes 2022.

Kabilang ang “Cattleya Killer” sa Market Screening & Content Showcase ng MIPCOM Cannes 2022 ngayong taon.

Gaganapin ang special screening sa Oktubre 19, 10:45 a.m. sa Auditorium A Palais des Festivals, Cannes France na dadaluhan ng mga bigating producers, filmmakers at mga celebrities all over the world.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang “Cattleya Killer” ay ibinase sa hit 1996 movie na “Sa Aking Mga Kamay” na pinagbidahan nina Aga Muhlach, Christopher de Leon at Chinchin Gutierrez.

Unang ibinalita ni Arjo sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories ang tungkol sa bago niyang proyekto.

Aniya sa caption ng ipinost niyang poster ng “Cattleya Killer”, “Representing PH in mipcom Cannes festival for the first time. Man, I can’t even explain how grateful I am to be part of this.”

Ibinahagi rin ng kanyang fiancèe na si Maine Mendoza ang official poster ng serye pati ng ng kanyang inang si Sylvia Sanchez na super proud sa bago niyang bonggang project.

View this post on Instagram

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde)


Ang ABS-CBN International Productions ang magre-represent ng “Cattleya Killer” sa mga delegado, buyers, at international press sa magaganap na MIPCOM Cannes 2022.

Kaya naman may pagkakataong ma-meet up close and personal ang Asian Academy Creative Awards 2022 Best Actor kasama ang mga co-star niya at ang producer nitong si Ria Atayde ganu’n din ang ABS-CBN’s Head of International Production and Executive Producer na si Ruel Bayani.

Sa “Cattleya Killer” gaganap si Arjo bilang serial killer na pumapatay sa mga unfaithful wife at nag-iiwan ng cattleya flower bilang signature niya sa paggawa ng krimen.

Makakasama rin ni Arjo sa serye sina Christopher de Leon, Jake Cuenca, Zsa Zsa Padilla, Jane Oineza, Ricky Davao, Nonie Buencamino at marami pang iba, sa direksyon ni Dan Villegas.

“It’s such a beautiful cast. I’m so happy to see everyone on board. I don’t need to explain further, but I’m just excited. Remember that I’m just one of the actors for this series and we’re going to do this together,” ang pahayag ni Arjo sa naganap na virtual storycon noong Pebrero, 2022.

https://bandera.inquirer.net/294101/arjo-napiling-bida-sa-remake-ng-sa-aking-mga-kamay-ni-aga-i-cant-do-what-he-did-but

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/293363/bea-ayaw-munang-makatambal-si-dominic-sa-kahit-anong-proyekto-parang-mas-magwu-work-kami-ng-ganito
https://bandera.inquirer.net/317928/tuwang-tuwa-ako-na-nasampal-ako-ng-isang-jaclyn-jose-cloe-barreto
https://bandera.inquirer.net/314555/heart-agaw-eksena-sa-75th-cannes-filmfest-pasabog-ang-suot-na-gown-na-mala-disney-princess

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending