Bakit 'napa-sana all' sina Kakai Bautista at Macoy Dubs sa mga naranasan nila habang nagbabakasyon sa Japan? | Bandera

Bakit ‘napa-sana all’ sina Kakai Bautista at Macoy Dubs sa mga naranasan nila habang nagbabakasyon sa Japan?

Ervin Santiago - April 16, 2023 - 06:32 AM

Bakit 'napa-sana all' sina Kakai Bautista at Macoy Dubs sa mga naranasan nila habang nagbabakasyon sa Japan?

Kakai Bautista

HINDING-HINDI makakalimutan ng Kapuso comedienne at singer na si Kakai Bautista ang naging experience niya at ng ilang kaibigan habang nagbabakasyon sa Japan.

Viral na ngayon ang social media post ng komedyana kung saan naikuwento nga niya ang pagkawala ng camera na pag-aari ng kanyang kaibigan nang mag-ikot sila sa ilang tourist spots sa Japan.

Makikita sa Instagram page ni Kakai ang ilang litrato at video na kuha sa
pagbabakasyon nila sa Sakura kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye)


In fairness, makikita mong enjoy na enjoy ang aktres sa kanilang paglalamiyerda sa naturang bansa na ilang beses na rin niyang napuntahan.

Sa isang socmed post ni Kakai, naikuwento niya na naiwan ng isang kaibigan ang kanyang camera sa sinakyan nilang tren.

Baka Bet Mo: Macoy Dubs may pa-nguso sa driver’s license, kinabog si Chie Filomeno

“Ni-report lang namin sa company nu’ng train at station kung saan naiwan. Naibalik sa kanya kinabukasan,” pagbabahagi ni Kakai.

“Mapapasana-all ka nalang talaga,” ang hirit pa ng dalaga. Aniya, isa ito sa mga dahilan kung bakit pabalik-balik siya sa Japan para magbakasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye)


Samantala, relate much naman ang content creator na si Macoy Dubs sa naikuwento ni Kakai. May maganda rin pala siyang experience sa Japan nang mawala ang kanyang cellphone sa isang ski resort.

“Mami Kakai naloka din ako dyan sa Gala Yuzawa Ski Resort, naiwan ko fonelya ko sa Cable Car, 30 mins namin hinanap.

“Akala ko nahulog na sa snow, pagbalik namin sa station tinanong lang namin sa information, may nag surrender daw na Japanese nakita sa CR. Doon ko pala naiwan. Haha! Iba sila,” pagbabahagi ni Macoy.

Komento naman ni Kakai sa kanya, “Ang bongga no mami?!!!! Apaka modest, Polite and Honest ng mga Hapon ih.”

In fairness, marami pang netizens ang nagbahagi ng kanilang mga experience nila sa Japan at halos lahat ay nagsabing mababait, matulungin at mapagkakatiwalaan din ang mga Japanese.

Edu, Cherry Pie nagpakaligaya sa Palawan: Heaven on earth!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Macoy Dubs nabudol sa Paris: So, kung may plano kayong pumunta doon, doble ingat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending