Alden humiling ng dasal, donasyon para sa biktima ng Taal eruption | Bandera

Alden humiling ng dasal, donasyon para sa biktima ng Taal eruption

Jun Nardo |January 16,2020
facebook
share this

Alden humiling ng dasal, donasyon para sa biktima ng Taal eruption

Jun Nardo - January 16, 2020 - 12:20 AM

ALDEN RICHARDS

NASA Japan si Alden Richards nu’ng mag-alburoto ang Taal volcano, pero kahit malayo ay nagawa pa rin niyang makisimpatya sa mga kababayan nating naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

Isa ang Pambansang Bae sa mga celebrity na humiling ng dasal para sa mga biktima ng kalamidad sa Batangas at mga kalapit probinsiya.

Hinikayat din niya ang lahat na magbigay tulong sa mga biktima ng Taal volcano eruption lalo na yung mga may kakayahan na mag-abot ng financial assistance.

Inilabas pa niya sa kanyang social media account kung saan puwedeng mag-deposit ng pera at sa isa niyang post nakasaad sa caption ang mga katagang, “Patuloy tayong magdasal.”

Eh, sa totoo lang, apektado rin ang negosyong Cocha’s ni Alden sa Silang, Cavite dahil umabot din doon ang ashfall. At kung kilala namin ang Kapuso Drama Prince, siguradong nagbigay na rin yan ng ayuda sa mga biktima ng kalamidad.

Anyway, habang nasa Japan, bumisita ang binata sa ilang tourist spots sa Japan, kabilang na ang Tokyo DisneySea at Mt. Fuji. Makikita sa kanyang Instagram account ang ilan niyang litrato na kuha sa pagbabakasyon niya sa Japan.

Samantala, pagbalik naman niya sa taping ng The Gift, kitang-kita ang pagka-miss niya sa kanyang mga katrabaho base sa ilang litrato at video na nakita namin sa social media.

Isa na nga rito ay ang pangungulit niya kay Jo Berry sa set ng The Gift na gumaganap na nanay-nanayan niya sa serye. Paborito kasing pagtripan ni Alden ang aktres lalo na kapag inaantok na sila sa taping para nga naman manatili silang gising habang naghihintay ng take.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending