Macoy Dubs may pa-nguso sa driver's license, kinabog si Chie Filomeno | Bandera

Macoy Dubs may pa-nguso sa driver’s license, kinabog si Chie Filomeno

Therese Arceo |March 30,2023
facebook
share this

Macoy Dubs may pa-nguso sa driver’s license, kinabog si Chie Filomeno

Therese Arceo - March 30, 2023 - 03:25 PM

Macoy Dubs may pa-nguso sa driver's license, kinabog si Chie Filomeno

VIRAL ngayon ang larawan ng social media personality na si Macoy Dubs dahil sa kanyang larawan sa isa sa kanyang ID.

Mukhang hindi nga papakabog ang komedyante sa tinaguriang Patron Saint of ID pictures na si Chie Filomeno dahil umabot hanggang driver’s license ang pa-pouty lips nito.

Aliw na aliw nga ang madlang pipol dahil hanggang sa ID ay in character pa rin si Macoy Dubs bilang si “Aunt Julie”.

Si Aunt Julie, isang mayamang tita na taga-Poveda, ang karakter na madalas niyang ipino-portray sa kanyang mga video posts na ina-upload niya sa social media.

Caption ni Macoy sa kanyang post, “Sa panahong hindi mo na alam saan ka pupunta, tandaan mo na dapat lagi kang may dalang lisensya. And I, thank you.”

Dagdag pa niya, “I am not competing with everyone, I am not a Honda Civic. Charot.”

Kaya hindi na nakapagtataka na marami sa netizens ang nag-tag kay Chie dahil mukhang si Macoy na nga ang hahamon sa kanyang kabog na pictures sa mga valid IDs.

Baka Bet Mo: Chie Filomeno sinupalpal si Valentine Rosales: Tumigil ka nang clout chaser ka!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Macoy Averilla (@macoydubs)

“The design is very Chie Filomeno,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Parang kulang pa sa pout mumsh Macoy Dubs!”

“Pout lips with pinag puyatang eye bagssss
go ghorl,” sey pa ng isa.

Sa kabila naman ng kanyang pouty lips photo sa driver’s license ay wala naman itong sinuway na batas dahil malinaw naman ang pagkakakuha ng kanyang mukha at hindi kita ang kanyang mga ngipin.

Well, hindi naman ito ang first time na ginawa ito ng social media personality sa kanyang mga ID.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung talagang isa kayo sa mga taga-subaybay niya, makikita n’yo na noong nagpa-member siya sa isang sikat na supermarket ay naka-pout rin si Macoy nang kunan siya ng litrato.

Related Chika:
Macoy Dubs inakusahan ng harassment: Hindi ako malinis pero hindi ako pumatay at hindi ako nagnakaw

Macoy Dubs nabudol sa Paris: So, kung may plano kayong pumunta doon, doble ingat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending