Macoy Dubs inakusahan ng harassment: Hindi ako malinis pero hindi ako pumatay at hindi ako nagnakaw | Bandera

Macoy Dubs inakusahan ng harassment: Hindi ako malinis pero hindi ako pumatay at hindi ako nagnakaw

Ervin Santiago |September 02,2021
facebook
share this

Macoy Dubs inakusahan ng harassment: Hindi ako malinis pero hindi ako pumatay at hindi ako nagnakaw

Ervin Santiago - September 02, 2021 - 09:39 AM

Macoy Dubs

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang umano’y panghihipo ng TV host at internet sensation na si Macoy Dubs sa isang lalaking nagngangalang “CJ.”

Kumalat ang lumang video ng komedyante sa social media na kuha sa isang episode ng noontime show na “Lunch Out Loud” (LOL) sa TV5 kung saan nga makikita ang paghawak niya sa private part ni CJ.

Isa sa mga host ng programa si Macoy pero noong Abril ay pansamantala siyang nawala rito. Ngunit nito ngang nakaraang araw ay bigla uling lumabas ang video mula sa Instagram Stories ni Macoy at tinawag na “harassment” ang kanyang ginawa sa kasamahang lalaki.

Makikita sa maikling video si Macoy na nasa audience area ng LOL studio at biglang hinawakan sa bandang private part si CJ sabay tawa at nag-dialogue ng, “Laki!” Nilagyan niya ng caption ang IG Stories ng, “HAHAHA DAKS MO NAMAN CJ!”

Karamihan sa mga nag-react na netizens ay nagsabing isang uri ng harassment ang ginawa ni Macoy sa kasamang lalaki at hindi raw ito nakakatawa at hindi tamang gawing katatawanan.

Komento pa ng isang nakapanood sa video, siguradong may negatibong epekto ito sa mga  biktimang nagka-trauma na sa narasanang harassment.

“P.S. even if it’s just harutan, the guy still didn’t consent to being groped. Stop gaslighting sexual harassment as clear as day,” sabi pa nito.

Nang makarating kay Macoy Dubs ang pambabatikos ng netizens, agad siyang nagpaliwanag tungkol dito sa pamamagitan pa rin ng Instagram Story. 

“Meron pong kumakalat na video sa twitter about my IG video way, way back nung nasa noontime show pa ako nung hinupuan ko si CJ.

“Totoo naman po naghaharutan kami at nagkukulitan. Yun ang harutan namin. But this is true and this is the truth. Hindi ko hinawakan yung private part niya.

“Nagkukulitan kami, kunyari hihipuan, ganyan,” paliwanag ng komedyante.

“Number 2, I’m really sorry kung naka-trigger sa inyo yung video na yun, kasi madalas naman talaga ako mag-upload ng IG story.

“I’m really sorry and I own up to that mistake kung na-trigger kayo. I just want to say na hindi ko tino-tolerate yung sexual harassment.

“Sa magbabarkada po, yes, nangyayari yung mga ganung klaseng harutan. Internally, di ba, nangyayari yung mga ganun.

“Pero ang mali ko kasi, nasa video siya. And parang nagiging dating sa iilan ay harassment. Kaya I just want to make it clear lang, it was never my intention to harass CJ.

“At sa katunayan po, I even asked him kung comfortable siya na ganun yung IG story namin or yung harutan namin. He said comfy siya.

“And kanina nag-usap kami na wala namang issue. So, I’m really sorry if ‘yon yung naging dating sa inyo, if may na-trigger.

“But again, I will never tolerate sexual harassment because hindi po yun ang intensiyon ko. Again, I’m really, really sorry,” lahad pa niya.

Sa isa pa niyang post, sinabi ni Macoy na, “I also want to express that I will be better with my actions. And those actions na nasa video ay di dapat tularan at di dapat gawing normal.

“Again, malinis ang intention ko sa tao. Owning this mistake/responsibility. Again, hindi ko tino-tolerate ang sexual harassment.

“PS, Hindi ako perpekto. Hindi rin ako malinis. Pero mabuti ang intention ko. Hindi ako pumapatay. Hindi ako nagnanakaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bago ako bigyan ng masasakit na salita, at mga maling paratang, sana makilala ninyo muna ako sa personal. Paalam na muna,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending