Rendon Labador bumanat kay Bryanboy: 'Akala ko matalino ka, may pera ka...wala akong pakialam sa Gucci rice mo!' | Bandera

Rendon Labador bumanat kay Bryanboy: ‘Akala ko matalino ka, may pera ka…wala akong pakialam sa Gucci rice mo!’

Ervin Santiago - April 16, 2023 - 06:27 AM

Rendon Labador bumanat kay Bryanboy: 'Akala ko matalino ka, may pera ka...wala akong pakialam sa Gucci rice mo!'

Bryanboy at Rendon Labador

NIRESBAKAN nang bonggang-bongga ng motivational speaker na si Rendon Labador ang social media personality na si Bryanboy na nambasag sa ibinebenta niyang kanin sa pag-aaring restaurant.

Pinaandaran ng socialite na si Bryanboy si Rendon tungkol sa ipinagmamalaki nitong motivational rice na mabibili ng P100 sa kabubukas pa lamang niyang resto.

Sabi ng socialite social media personality, hindi raw siya namo-motivate sa kanin ni Rendon dahil ang kinakain nilang rice ay mula pa sa Gucci na nagkakahalaga ng 20,000 euros.

Hindi naman ito pinalampas ni Rendon at sinagot ang pang-aasar at pangmamaliit sa kanya ni Bryanboy. Hinamon pa niya ito na gumawa ng sariling brand.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon sa kontrobersyal na motivational speaker, wala siyang pakialam sa presyo ng rice ni Bryanboy dahil ang talagang objective niya ay mabago ang kaisipan ng bawat Pinoy patungkol sa kahirapan.

Bwelta ni Rendon kay Bryanboy na mapapanood sa ginawa niyang video,  “Gucci boy, bakit mo ikinukumpara yung motivational rice, naiintindihan mo ba ‘to?

“Tagal-tagal ko nang ipinaliwanag ‘yan, Tagalog pa. Hindi n’yo pa maintindihan? Isang sign po ‘yan, na kahit may pera kayo, yung common sense hindi nabibili ‘yan,” matapang na pahayag ni Rendon.

Banat pa niya sa sosyalerang socmed personality, “Akala ko matalino ka? May pera ka, pero tanga ka. Una sa lahat, sino ka ba? Wala akong pakialam sa Gucci rice mo.

“Ang binabago ko rito yung mindset ng mga Pilipino. Ano yung sinasabi mo na problema ng mga mahihirap? Di ba dapat doon tayo magsimula? Tulungan yung mga mahihirap na masolusyunan ang mga problema nila.

Baka Bet Mo: Rendon Labador kinuha noon para maging parte ng ‘Batang Quiapo’, may pa-open letter kay Coco Martin

“Wala naman akong pakialam sa presyo. Hindi naman presyo yung usapan dito eh. Ang usapan dito, dapat nating baguhin yung maling mindset ng mga Pilipino para maafford nila yung mga gusto nilang ma-afford sa buhay nila,” mariin pang depensa ni Rendon.

Dugtong pa niya, “Ang motivational rice ay simbolo ng pag-asa. Gusto ko kasing suportahan natin ‘yung sariling atin, ‘yung mga farmers natin para mas makatulong ‘di yung Gucci rice na ‘yan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bwelta pa ni Rendon sa binansagang “Gucci Boy”, “You’re not even a brand. Empleyado ka lang ng mga ‘yan. Kung talagang magaling ka at kung talagang malupit ka, create your own brand.”

Sa kanyang reaction video, ito ang pahayag ni Bryanboy, “Medyo matagal na akong di nakikisawsaw sa problema ng mahihirap, pero halika, patulan na natin ‘to.”

“Katarantaduhan!” ang diretsong reaksyon ni Bryanboy. Kasunod nito, inilabas nga niya ang kanilang binibiling bigas mula sa isang mamahalin at sosyalerang brand. Shookt ang kanyang socmed followers!

“Para sa akin po, hindi po nakaka-motivate ang 100-peso motivational rice. Kung ‘yan lang po ang future ko ‘Oh my God’ nakakatakot, ayoko niyan. Yung standards ko po, medyo mataas. And I’m talking about my present!” ang nakakalokang hirit ni Bryanboy.

Ipinakita pa niya ang brand ng kanilang nilalafang na kanin “Yung rice namin galing siya ng Gucci. Bale yung 1 kilo ng rice, this is 20,000 euros, kayo na po mag-convert kung magkano sa pesos.

“‘Yan po yung rice na ginagamit namin to make chicken arroz caldo… So no, hindi po ako namo-motivate ng 100 pesos, dito po tayo sa 20,000-euro Gucci rice,” panunupalpal pa niya kay Rendon.

Fashion blogger Bryanboy pinaandaran si Rendon Labador, may banat sa P100 na kanin: ‘Yung rice namin galing sa Gucci, 1 kilo is 20,000 euros’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending