Fashion blogger Bryanboy pinaandaran si Rendon Labador, may banat sa P100 na kanin: 'Yung rice namin galing sa Gucci, 1 kilo is 20,000 euros' | Bandera

Fashion blogger Bryanboy pinaandaran si Rendon Labador, may banat sa P100 na kanin: ‘Yung rice namin galing sa Gucci, 1 kilo is 20,000 euros’

Ervin Santiago - April 12, 2023 - 06:42 AM

Fashion blogger Bryanboy pinaandaran si Rendon Labador, may banat sa P100 na kanin: 'Yung rice namin galing sa Gucci, 1 kilo is 20,000 euros'

Rendon Labador at Bryanboy

“KATARANTUDAHAN!” Yan ang matapang na bwelta ng socialite at content creator na si Bryanboy sa controversial “motivational rice” ni Rendon Labador.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! In na in pa rin ang chika tungkol sa kontrobersyal na pandan rice na ibinebenta ni Rendon sa kanyang restaurant na nagkakahalaga ng P100. Hanggang ngayon ay may mga nagre-react pa rin sa nakakalokang presyo ng kanin.

Marami na ang bumengga at nambasag kay Rendon dahil dito pero ang pinaka-winner para sa amin ay ang pinakabagong pasabog ng sosyalerang si Bryanboy na talaga namang pak na pak ang pagbanat sa issue ng “motivational rice.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kinuwestiyon at binarag-barag ni Bryanboy ang depensa ni Labador na kaya raw ganu’n ang presyo ng rice sa kanilang resto dahil gusto niyang i-motivate ang mga Filipino na ito ay simbolo ng mga taong hindi sumusuko sa anumang hamon ng buhay.

Sa pamamagitan ng kanyang reaction video, ito ang simulang pahayag ng vlogger, “Medyo matagal na akong di nakikisawsaw sa problema ng mahihirap, pero halika, patulan na natin ‘to.”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Kasunod nito, ipinakita ni Bryanboy ang video clip na ipinost ni Rendon sa Facebook kung saan nag-e-explain siya about his P100 motivational rice. Tawang-tawa si Bryanboy nang banggitin ng motivational speaker ang mga katagang, “Hindi naman po kanin ang itinitinda ko rito eh, I’m selling you your future!”

“Katarantaduhan!” ang diretsong reaksyon ni Bryanboy. Kasunod nito, inilabas nga niya ang kanilang binibiling bigas mula sa isang mamahalin at sosyalerang brand. Shookt ang kanyang socmed followers!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bryan Yambao (@bryanboy)


“Para sa akin po, hindi po nakaka-motivate ang 100-peso motivational rice.

“Kung ‘yan lang po ang future ko ‘Oh my God’ nakakatakot, ayoko niyan. Yung standards ko po, medyo mataas. And I’m talking about my present!” ang nakakalokang hirit ni Bryanboy.

Ipinakita pa niya ang brand ng kanilang nilalafang na kanin “Yung rice namin galing siya ng Gucci. Bale yung 1 kilo ng rice, this is 20,000 euros, kayo na po mag-convert kung magkano sa pesos.

“‘Yan po yung rice na ginagamit namin to make chicken arroz caldo… So no, hindi po ako namo-motivate ng 100 pesos, dito po tayo sa 20,000-euro Gucci rice,” panunupalpal pa niya kay Rendon.

Nauna rito, nag-react at binanatan din ng isa pa kilalang content creator na si Jack Logan ang hot na hot pa ring motivational rice ni Labador.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Rendon sa mga pinagsasabi ni Bryanboy.

Rendon Labador binanatan dahil sa P100 ‘motivational rice’ sa pag-aaring resto: ‘Seryoso? Pang-2 kilong bigas na ang presyo?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mukha nina Barbie at David bumandera sa Rice Paddy Art; Ashley tuloy ang laban kahit madapa, matumba at masugatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending