Akting ni Toni Fowler sa 'Batang Quiapo' pak na pak sa madlang pipol, wish ng fans: 'Sana mapanood namin siya hanggang ending' | Bandera

Akting ni Toni Fowler sa ‘Batang Quiapo’ pak na pak sa madlang pipol, wish ng fans: ‘Sana mapanood namin siya hanggang ending’

Ervin Santiago |April 10,2023
facebook
share this

Akting ni Toni Fowler sa ‘Batang Quiapo’ pak na pak sa madlang pipol, wish ng fans: ‘Sana mapanood namin siya hanggang ending’

Ervin Santiago - April 10, 2023 - 07:07 AM

Akting ni Toni Fowler sa 'Batang Quiapo' pak na pak sa madlang pipol, wish ng fans: 'Sana mapanood namin siya hanggang ending'

Coco Martin at Toni Fowler

IN FAIRNESS, mukhang magtatagal pa nang bonggang-bongga ang karakter ng content creator na si Toni Fowler sa Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo“.

Marami kaming nababasang komento sa social media patungkol sa akting ni Toni sa nasabing serye at halos lahat ay nagsasabing napakanatural niyang umarte sa harap ng mga camera.

Hindi raw nagkamali ang lead star ng programa na si Coco Martin sa pagkuha sa kanya dahil pinatunayan niyang pak na pak at kering-keri niya ang ginagampanan niyang karakter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo)


Sa ilang viral video clip kung saan makikita ang natural na pag-arte ni Toni  sa mga ginawa niyang eksena sa “FPJ’s Batang Quiapo” kabilang na ang batuhan nila ng linya ni Coco, ay maraming pumuri sa kanya.

Komento ng mga netizens, level up na raw ang aktingan niya bilang si Chicky at talagang nakikipagsabayan sa magagaling at batikang artista na kasama niya sa serye, kabilang na si Coco na gumaganap bilang si Tanggol.

Baka Bet Mo: Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!

Request ng kanyang mga fans, sana raw ay mapanood nila si Toni Fowler hanggang sa ending ng serye dahil marami raw itong napapatawa at napapasayang manonood.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens na nakatutok gabi-gabi sa “Batang Quiapo” kung saan kasama rin sina Lovi Poe, Charo Santos, Christopher de Leon, John Estrada at marami pang iba.

“She’s a natural. More projects for her!”

“Ang galing umarte ni Mami Oni, dito lang ako napatawa.”

“Bagay si Tanggol at si Mami Oni.”

“Parang hindi sya baguhan sa pag-arte. Galeng!”

“Napaka natural ni Mami Oni.”

“Hoy, yung acting skills ni Toni.”

“Ang galing ni Mami Oni, lumi-level up.”

Promise ni Toni Fowler sa magulang matapos ireklamo ang malaswang music video: Gagawa rin po ako ng pwede sa bata

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Fowler ibinandera ang mga larawan nila ni Vice Ganda: 2011 x 2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending