Lovi naloka sa tarpaulin na ginamit sa isang eksena sa 'Batang Quiapo': 'Bakit parang kukunin ako ni Lord nito? Sa langit ba debut ko?' | Bandera

Lovi naloka sa tarpaulin na ginamit sa isang eksena sa ‘Batang Quiapo’: ‘Bakit parang kukunin ako ni Lord nito? Sa langit ba debut ko?’

Ervin Santiago |March 30,2023
facebook
share this

Lovi naloka sa tarpaulin na ginamit sa isang eksena sa ‘Batang Quiapo’: ‘Bakit parang kukunin ako ni Lord nito? Sa langit ba debut ko?’

Ervin Santiago - March 30, 2023 - 09:14 AM

Lovi naloka sa tarpaulin na ginamit sa isang eksena sa 'Batang Quiapo': 'Bakit parang kukunin ako ni Lord nito? Sa langit ba debut ko?'

Ang ginamit na tarpaulin ng ‘Batang Quiapo’ na may mukha ni Lovi Poe

NALOKA nang bonggang-bongga ang award-winning Kapamilya actress na si Lovi Poe nang makita ang banner na gagamitin para sa kanyang birthday celebration.

But wait, mga ka-BANDERA, hindi ito true to life ha! Ito kasi yung isa sa mga paandar na eksena sa Kapamilya series na “Batang Quiapo” na pinagbibidahan nga nina Lovi at Coco Martin.

Aliw na aliw si Lovi nang makita ang banner na ginamit para sa 18th birthday celebration ng kanyang karakter sa serye bilang si Mokang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)


Sa kanyang Instagram account, ipinost pa ng actress-singer ang nasabing tarpaulin kung saan makikita ang mukha ni Mokang na parang pumanaw na sa halip na nagdiriwang ng kaarawan.

“Kuya @pingmedina, birthday ko kasi di ba? Bakit naman parang kukunin ako ni Lord nito? Sa langit ba debut ko? LOL,” ang caption ni Lovi sa kanyang IG post na ikinaloka rin ng kanyang fans at social media followers.

Baka Bet Mo: Lovi Poe ‘sinita’ ng dyowa nang mahuling sweet-sweetan kay Piolo Pascual

Sa nasabing episode ng “Batang Quiapo” naghahanda na si Mokang para sa kanyang debut kasama si Chicky (Toni Fowler). Pero magkakaroon na naman ng aberya sa kanyang party dahil kay Tanggol (Coco) at ng kanyang mga kaibigan.

Narito ang mga nakakaloka ring reaksyon ng mga IG followers ni Lovi. In fairness, pati mga kaibigan niya sa showbiz at napakomento rin nang makita ang parang lamay na birthday party ng karakter niya sa “Batang Quiapo.”

“Wait hahahahaha!” ang comment ng Kapuso actor na si Ken Chan.

“Maligayang 40th day Mokang!” ang pang-aasar naman ni Ping Medina.

Sey ni Aaron Domingo ng ABS-CBN Corporate Communication: “You’re in a better place na daw kasi.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)


Napa-react din sa post ni Lovi ang kanyang boyfriend na si Monty Blencowe, sina Zsa Zsa Padilla, Lara Quigaman, Yasmien Kurdi, ang at iba pang celebrities.

Nariro ang iba pang comments ng fans.

“Ayan pala yung sinasabi ng kuya ni mokang na ‘kuha kona yung gusto mo tay’. what ahahaha!”

“Ses, nakikiramay. Kala ko naman debut mo yung aattendan ko. Bat naging ganire?”

“Akala ko may lamay buti binasa ko nakasulat, birthday pala.”

“Hahahaha Happy birthday Monica. hang galeng tlg ng kuya mo. para kanang nasa langit sa tarpaulin mona yan ahahha.”

“Naisip ko na Yan nung sinabi Ng tatay mu sa kuya mu na kailngan may parang lumilipad eh.”

“Parang celebration of life sa heaven. Ganyan din ang akala ko, nong hindi ko pa nakikita ang Happy birthday.”

Bakit maluha-luha si Denise Laurel habang pinupuri si Lovi Poe sa presscon ng ‘Flower Of Evil’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang ‘Batang Quiapo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending