Rochelle may gustong baguhin sa naging desisyon noon sa hindi pagsipot ng SexBomb sa 'Eat Bulaga': 'Dapat naging professional pa rin kami' | Bandera

Rochelle may gustong baguhin sa naging desisyon noon sa hindi pagsipot ng SexBomb sa ‘Eat Bulaga’: ‘Dapat naging professional pa rin kami’

Ervin Santiago |April 09,2023
facebook
share this

Rochelle may gustong baguhin sa naging desisyon noon sa hindi pagsipot ng SexBomb sa ‘Eat Bulaga’: ‘Dapat naging professional pa rin kami’

Ervin Santiago - April 09, 2023 - 07:15 AM

Rochelle may gustong baguhin sa naging desisyon noon sa hindi pagsipot ng SexBomb sa 'Eat Bulaga': 'Dapat naging professional pa rin kami'

Rochelle Pangilinan

PINAGSISISIHAN ng actress-dancer na si Rochelle Pangilinan ang naging desisyon ng dati niyang grupo na SexBomb Dancers na huwag mag-report sa “Eat Bulaga” bilang pagsuporta sa talent manager nilang si Joy Cancio.

Ito yung panahon nang maipit sila sa issue ng discoverer at manager ng SexBomb Girls na si Joy at ng isang executive ng “Eat Bulaga,” at magdesisyong hindi na sumipot sa longest-running noontime show sa bansa.

Kuwento ni Rochelle sa “Updated with Nelson Canlas” podcast, nasa taping sila ng afternoon series nila noon na “Daisy Siete” (2011) nang malaman nilang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan si Joy Cancio at dating producer ng “Eat Bulaga”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)


Ang unang desisyon nina Rochelle bilang grupo ay huwag nang makialam sa issue hanggang sa tanungin sila ng direktor nila sa “Daisy Siete” na si Pat Perez kung magpe-perform pa rin sila sa “Eat Bulaga” sa kabila ng nangyari.

Paliwanag ni Rochelle na itinuturing na leader ng grupo, “Tahimik lang ako kasi iniisip ko pa rin kung anong dapat gawin. In fairness ‘tong sa mga girls, may respeto sila sa akin.

“Sinusunod nila ako noong mga panahon na ‘yon kung ano ang magiging desisyon namin bilang ate,” lahad ni Rochelle.

“Ako, firm ako roon sa desisyon ko na, ‘Hindi, a-attend tayo.’ So nag-meeting kami na alam ko somewhere in Timog.

“Kasi ‘yung iba gusto na umuwi, ‘di ba, ganu’n ang SexBomb, ayaw na napapa-involve sa mga ganyan. ‘So uwi na lang kami ate, kasi baka kapag um-attend naman tayo pagalitan tayo sa Eat Bulaga’.

“‘O, baka kapag um-attend tayo papagalitan tayo ni Ate Joy, kapag hindi naman tayo um-attend magagalit ang Eat Bulaga, uwi na lang kami, mag-absent na lang kami today,’” ang patuloy pa kuwento ni Rochelle.

Hanggang sa magkasundo ang lahat ng miyembro ng SexBomb na mag-report na sa “Eat Bulaga” para patunayan ang kanilang pagiging professional. Ang usapan nila, wala munang magbubukas ng cellphone habang nasa studio.

Baka Bet Mo: Rochelle ipinagluluto ang mga katrabaho sa lock-in taping: Hindi siya madali…sa mentalidad, pisikal, kaya ang pinakamasarap du’n, busog ka!

Pero may isang member daw ang hindi nakapag-off ng cellphone kaya natawagan ng kanilang manager. Patuloy na chika ni Rochelle kay Nelson, “Tumawag si Lola tapos umiiyak na ‘Ano sa tingin niyo?’ E, siyempre naawa si ano… kami, kaya ‘di hindi na rin kami um-attend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)


“Kung anuman ‘yung side nila, ‘yun ang hindi ko na masasagot, kung ano ba talaga ang nangyari. Kasi kahit naman sa amin, hindi naman na-discuss nang ganu’n ka-clear. Labas kami doon,” sabi pa ng aktres.

“Ngayon siyempre bilang respeto kay Ate Joy bumalik kami ngayon sa studio sa Kamias. So ayun ending, news kami,” pagbabalik-tanaw pa ni Rochelle.

Sa tanong ni Nelson na, “Do you regret your decision back then?” ang diretsong sagot ni Rochelle, “Yes. Dapat naging professional pa rin kami. Siguro hindi sumama loob sa amin ng side ng Eat Bulaga, ‘yung ganu’n ang feeling.  Kasi for sure sumama ang loob nila sa amin after that incident.”

Aniya pa, “Kung sakaling may magtanong talaga sa akin kung ano ‘yung babalikan ko sa buhay ko na babaguhin ko, ito ‘yung part na ito.

“Kasi ang feeling ko noon, nawalan ako ng paglaban sa buhay, hindi ako nag-decide. Na puwede naman kaming mag-decide at that time. Feeling ko lang natalo,” sabi ni SexBomb Rochelle.

Muling nagbigyan ng chance si Rochelle na makapagsayaw sa “Eat Bulaga”, sa katunayan naging emosyonal pa siya dahil napanood pa siya ng asawang si Arthur Solinap at anak na si Shiloh.

“Kahit na may mga pagkakamali kaming nagawa, pinatawad pa rin nila kami,  tinanggap pa rin nila kami. Ang sarap sumayaw sa Eat Bulaga kung saan ka nagsimula,” ang emosyonal pang pahayag ni Rochelle.

Totoo nga bang si Rochelle Pangilinan ang dahilan kung bakit nabuwag ang SexBomb Dancers?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

First impression ni Rochelle kay Arthur: Babaero at gimikero, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending