6.6 magnitude na lindol yumanig sa Samar, Bicol | Bandera

6.6 magnitude na lindol yumanig sa Samar, Bicol

Antonio Iñares - April 04, 2023 - 10:37 PM

earthquake in Samar, Bicol

NIYANIG ng 6.6 magnitude na lindol ang Samar at Kabikulan nitong Martes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang lindol sa 120 kilometro sa timog-silangan ng Gigmoto, Catanduanes, sa ganap na 8:54 ng gabi.

Walang naiulat na nasaktan o pinsala sa lindol na may lalim na siyam na kilometro.

Naramdaman ang lindol sa mga lugar na malapit sa epicenter, kabilang ang San Jorge, Samar, na nakapagtala ng Intensity IV. Sa Legazpi City, Legaspi, Albay; Daet, Camarines Norte; Sipocot, Iriga City, Pili, Camarines Sur; Kananga, Dulag, Abuyog, Leyte; San Roque, Northern Samar; Bulusan, Prieto Diaz, Sorsogon ay nakapagtala naman ng Intensity II.

Ang Intensity I ay naitala sa  Palo, Alangalang, Leyte; Quinapondan, Eastern Samar; Monreal, Uson, Masbate; Gumaca, Polillo, Mauban, Guinayangan, Quezon; at Donsol, Sorsogon.

Matatagpuan ang Pilipinas sa tinatawag na Pacific Ring of Fire, isang lugar kung saan ay madalas ang pagyanig ng lupa at pagputok ng bulkan.

KAUGNAY NA BALITA
Davao de Oro niyanig ng 4.2 magnitude na lindol

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending