Miles Ocampo sa pakikipaghalikan niya sa ‘Here Comes The Groom’: Yung kay Enchong sakto lang, du’n ako kay Kaladkaren!’
“TINUHOG” ni Miles Ocampo sina Enchong Dee at Kaladkaren Davila sa comedy film na “Here Comes The Groom” na kasali sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival.
Grabe! As in sure na sure kaming masa-shock ang mga fans sa pinaggagawa ni Miles sa spin-off ng blockbuster hit na “Here Comes The Bride” na parehong idinirek ni Chris Martinez.
Unang pinag-usapan ng mga Kapamilya viewers ang rape scene ni Miles sa pilot episode ng “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin, na talagang nag-viral at nag-trending sa social media.
View this post on Instagram
Dito naman sa “Here Comes The Groom” na mapapanood simula sa April 8 hanggang 18, gagampanan niya ang karakter ni Yumi na atat na atat maka-sex ang fiancé niyang si Junior na ginagampanan ni Enchong Dee.
Nang maganap na ang pagpapalitan ng pagkatao ng mga bida sa kuwento, si Enchong ay naging si Kaladkaren (as Wilhelmina) habang ang kaluluwa naman ng impersonator ni Karen Davila ay sumanib kay Enchong.
At pareho ngang naka-kissing scene ni Miles sina Enchong at Kaladkaren. Kaya naman sa naganap na presscon after ng screening ay natanong ang dating child star kung paano siya napapayag na gampanan ang hayok na hayok na fiancée ni Enchong.
“Ilang beses na pong nangyari sa akin, like may io-offer, tatawagan ako. Pagka-end po ng call, tatawag ulit. ‘Ah, may kissing scene pala ito, ha?’ Parang ako, iniisip pa rin nila na hindi ako puwede.
“Matanda na po ako. Ha-hahahaha! So, kung okay talaga for the story, kung kinakailangan talaga at hinihingi, game naman po ako.
“Saka fan po ako ni Direk Chris Martinez. Parang napanood ko po yung mga pelikula niya, lalo na yung Here Comes The Bride.
View this post on Instagram
“In-explain pa lang po ni Atty. Joji Alonso na para itong Here Comes The Bride, gusto ko pong sabihin, ‘Attorney, huwag mo na pong i-explain! Yes na po ako!’
“Pero ayun, sobrang nakakatuwa na naisip po nila ako para sa role nu’ng bride,” aniya pa.
Sa tanong kung kumusta ang pakikipaghalikan niya kay Enchong? “Kay Enchong? Sakto lang. Du’n ako kay Kaladkaren, charing! Ha-hahahaha! Charot lang! Ha-hahahahaha!”
Reaksyon naman ni Kaladkaren sa kissing scene nila ni Miles, “Kung paano si Enchong du’n kay Yumi, ganu’ng-ganun ang feeling ko! ‘Paano ko kaya gagawin ito?’
“Parang I never kissed a girl in my life! Pero yun nga, sorry, Miles ha, ako talaga ang nahalikan mo sa big screen!
“Pero I’m very thankful na si Miles yun kasi very generous din siya na sabi ko, ‘Teh, iki-kiss kita mamaya!’ ‘Oo, teh, kaya natin ‘yan!’ Okay, go! Laban! Nilaban namin!” chika pa ni Kaladkaren.
Ibinuking pa ni Kaladkaren na anim na beses nilang inulit ni Miles ang kanilang kissing scene, “Pero nag-enjoy naman ako, ‘no! Nag-enjoy ako! Parang, ahhhh!!!” ang patiling se pa ni Kaladkaren.
Kasama rin sa “Here Comes The Groom sina Gladys Reyes, Awra Briguela, Maris Racal, Eugene Domingo, Tony Labrusca, Xilhouete, Nico Antonio, Iyah Mina, Fino Herrera at Kim Atienza.
Enchong Dee pak na pak ang pagiging transwoman; Kaladkaren hirap na hirap magpakalalaki
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.