Coco pinayuhang bantayan ang kalusugan; 'Urduja' ng GMA umubra kaya sa powers ng 'Batang Quiapo' ng ABS-CBN? | Bandera

Coco pinayuhang bantayan ang kalusugan; ‘Urduja’ ng GMA umubra kaya sa powers ng ‘Batang Quiapo’ ng ABS-CBN?

“reggee |March 01,2023
facebook
share this

Coco pinayuhang bantayan ang kalusugan; ‘Urduja’ ng GMA umubra kaya sa powers ng ‘Batang Quiapo’ ng ABS-CBN?

“reggee - March 01, 2023 - 05:55 PM

Coco pinayuhang bantayan ang kalusugan; 'Urduja' ng GMA umubra kaya sa powers ng 'Batang Quiapo' ng ABS-CBN?

Kyiie Padilla, Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Coco Martin

TRULILI kaya ang balita na kabado ang GMA 7 sa pagbubukas ng bago nilang programang “Mga Lihim ni Urduja” dahil katapat nito ang “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin na sobrang lakas daw ngayon?

Nakausap ng aming paru-parong source ang tatlong ehekutibo ng Kapuso network at ang saktong sabi ng isa sa kanila, “Kabado kami dito kay Batang Quiapo, sobrang ingay sa social media at sa ratings (game). Ang daming advertisers na pumapasok.”

Noong umeere pa raw ang “Maria Clara at Ibarra” ay kampante sila dahil sadyang nangunguna ang serye nina Dennis Trillo, Barbie Forteza at Julie Anne San Jose at maingay din ito sa social media at mataas pa ang rating.

Si Kylie Padilla ang bida sa “Mga Lihim ni Urduja” kasama sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez at marami pang iba, pero ayon sa aming source ay hindi pa ito gaanong pinag-uusapan.

Pinatunayan naman ito ng isang taga-TV5, “Actually oo, walang ingay ang Urduja unlike sa Maria Clara at Ibarra. Alam mo ba ang commercial load ng Batang Quiapo sa amin, kalahati. Isipin mo ‘yun? E, paano pa kaya ‘yung sa A2Z at iba pa?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Umeere ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa TV5, A2Z at iba pang channels at platforms ng ABS-CBN at balitang mabigat ang kanilang commercial load.

Sabi naman ng nakausap naming taga-Kapamilya network, “Alam ko nga rin nadagdagan ang commercial load ng Batang Quiapo, ang galing ni Coco, ‘no?”

Sabi naman ng isang Kapatid station, “Grabe naman kasi ang pag-promote ni Coco, pati Luzon at Visayas narating niya. Buong Metro Manila pa ang sipag.

“Kaya lang bantayan niya ang health niya kasi isipin mo ang role niya sa Batang Quiapo, producer, director, actor then nasa creative pa? Si Lovi (Poe) nga hindi na kinaya nagkasakit na, di ba?

“‘Yung nag-tour sila sa Manila, hinang-hina na, hindi na halos makapagsalita, tipid na tipid na.  Kaya dapat ingatan ni Coco health niya,” sabi pa sa amin.

Dagdag pa, “Imagine lahat yata ng shows nag-guest siya pati ‘yung early morning show sa ABS (CBN), hirap gumising kaya.”

Going back sa paru-parong source namin, “One week palang umere ang Batang Quiapo nangatog na sila. Ang ganda ng show at inamin din sa amin na talagang nakatutok sila (mga taga-GMA) sa Batang Quiapo.”

Kilalang komedyante kabado sa manager, rumaket nang walang paalam

Kylie sa pag-amin nina Aljur at AJ sa kanilang relasyon: ‘No joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Encantadia’ sisters Sanya, Gabbi at Kylie muling magsasama-sama sa ‘Mga Lihim ni Urduja’, Glaiza may solo project sa GMA ngayong 2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending