Kilalang komedyante kabado sa manager, rumaket nang walang paalam | Bandera

Kilalang komedyante kabado sa manager, rumaket nang walang paalam

Reggee Bonoan |December 21,2021
facebook
share this

Kilalang komedyante kabado sa manager, rumaket nang walang paalam

Reggee Bonoan - December 21, 2021 - 05:34 PM

Kilalang komedyante kabado sa manager, rumaket nang walang paalam

SUPER kabado ang kilalang komedyante dahil rumaket pala siya nang hindi alam ng manager niya. Gusto naman daw nitong ipagpaalam pero pag tapos na dahil nga baka hindi siya payagan.

Medyo mahigpit yata ang manager ng komedyante at mataas ito magturing kaya hindi lahat ng booking ay natatanggap dahil sumusuko sa presyo.

E, kakilala ng komedyante ang contact person ng may pa-event kaya gusto niya itong pagbigyan kahit na hindi ganu’n kataas ang talent fee niya. Sa madaling salita, tumuloy at super enjoy ang lahat lalo na ang nag-imbita kasama ang pamilya nito na mala-reunion.

Heto na, mukhang malakas ang radar ng manager ng komedyante dahil naka-ilang missed calls na pala ito sa kanya na hindi niya napansin kasi nga naka-silent ang cellphone.

Pagkatapos lang ng show nakita lahat ni komedyante ang mga tawag at text messages sa kanya na hindi niya alam paano ito lulusutan.

Buti na lang naalala niya na huli niyang nakausap ang manager ay nabanggit niyang masama ang pakiramdam niya kaya nu’ng nag-return call siya ay sinabi niyang kakagising lang niya kasi nga nakatulog siya ng malalim sa sama ng pakriamdam.

Ang siste, may viral video ngayon ang kilalang komedyante na nagpe-perform siya sa isang event na pinost ng mga bisita sa kani-kanilang social media accounts ang tanging nasabi niya, “Lord, sana hindi mapanood.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi kami sinasagot ng komedyante kung ano na ang update at kung may alam na ang manager niya.

 

Other Chika:
True ba, Inday Garutay pinatanggal daw ni Vice Ganda sa comedy bar?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending