True ba, Inday Garutay pinatanggal daw ni Vice Ganda sa comedy bar? Bandera

True ba, Inday Garutay pinatanggal daw ni Vice Ganda sa comedy bar?

Therese Arceo |December 07,2021
share this

True ba, Inday Garutay pinatanggal daw ni Vice Ganda sa comedy bar?

Therese Arceo December 07, 2021 - 08:37 PM

Inday Garutay pinatanggal daw ni Vice Ganda sa comedy bar?

NAGLABAS ng saloobin ang komedyanteng si Inday Garutay ukol sa naging vlog ni Vice Ganda kung saan inihalal siya bilang “pinaka hindi nakakatawa” na komedyante.

Amin ni Inday Garutay sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, napanood niya ang mismong vlog ni Vice ngunit hindi na niya ito tinapos sapagkat nasaktan na siya sa mga pinagsasabi ng barkada ng TV host.

Lalo pa nga’t hindi naman pala niya ka-close sina MC Muah na siyang nag-nominate sa kanya na hindi nakakatawang komedyante.

“Katuwaan nga pero unang-una, hindi naman kami magkaibigan ni MC. Magkatrabaho kami, magkakilala kami. We respect each other kapag nagkikita kami pero hindi kami magkaibigan,” saad ni Inday Garutay.

Dagdag pa niya, sobrang nakakainsulto raw para sa kanya ang mga sinabi sa vlog ni Vice Ganda lalo na’t maimpluwensya ito at maaaring makaapekto sa mga posibleng proyekto or inquiry sa kanya.

Pangalawa, ang dalawang ikinumpara daw sa kanya na sina Anton Diva at Janelle Jamer ay hindi naman talaga komedyante kaya talagang na-offend siya.

Tinanong naman ni Ogie kung may naging alitan na ba sa pagitan nila nina Vice bago pa man ang kasalukuyang isyu ngayon.

Dito ay inamin ni Inday na ipinatanggal siya noon ni Vice sa mga comedy bar.

“Actually, meron… 2010, of course playing safe si Jegs kaya sinabi niyang pinagpahinga pero alam ng mga kasama namin sa sing-along na pinatanggal niya ako talaga,” kwento ni Inday Garutay.

Pero sinabi niya na panigurado namang ide-deny lang ito ni Vice kaya wala na siyang sama ng loob sa Unkabogable Star.

Okay naman daw sila ni Vice pero hindi niya lang talaga maiwasan na mag-react sa mga nasabi nito kasama sina MC at Lassy sa vlog dahil syempre, bread and butter niya ang pagpapatawa.

Sinabi rin niya na initial reaction niya lang ang naging Facebook post niya kung saan tinawag niyang “gargoyles”.

“Cause and effect lang. Siyempre ano ba ang cause? Sila ang nauna. Ito ang effect. Tao lang, e. Hindi naman ako santo… natural lang sa akin na mag-react,” sey pa ni Inday Garutay.

Hirit pa niya, nasa kampo na raw nina Vice kung hihingi sila ng patawad sa kanya pero kung hindi naman daw ay okay lang sa kanya.

“Hindi naman siguro kukunin ng TV5, ng Sunday Pinasaya, ng mga gag show na maging gagwriter, scriptwriter kung hindi ako nakakatawa.

“Hindi ako kukunin ni Al Tantay na maging scriptwriter sa mga movies kung hindi ako nakakatawa,” hirit pa niya.

Related Chika:
Ate Gay ibinuking kung magkano ang ibinigay na tulong nina Vice, Paolo at Ogie nang maospital siya

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending