Paandar na regalo ng bride & groom para sa kanilang ninong at ninang sa kasal viral na: 'Una't huling kasal na natin ito ha' | Bandera

Paandar na regalo ng bride & groom para sa kanilang ninong at ninang sa kasal viral na: ‘Una’t huling kasal na natin ito ha’

Ervin Santiago |November 29,2022
facebook
share this

Paandar na regalo ng bride & groom para sa kanilang ninong at ninang sa kasal viral na: ‘Una’t huling kasal na natin ito ha’

Ervin Santiago - November 29, 2022 - 06:41 PM

Paandar na regalo ng bride & groom para sa kanilang ninong at ninang sa kasal viral na: 'Una't huling kasal na natin ito ha'

Kevin Medrano at Grazielle Tumambing

VIRAL na ang paandar na regalo ng groom at bride sa Batangas para sa mga napili nilang ninong at ninang sa kasal.

Pinusuan at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang mga litratong ipinost nina Kevin Paulo Medrano at Graziella Caraan Tumambing sa kani-kanilang Facebook accounts.

Makikita nga rito ang mga ipamimigay nilang souvenir o ang tinatawag nilang “dulot” at “sabit” sa kanilang probinsya. Bukod sa mga cake, iba’t ibang uri ng prutas, wine at mga tray ng kakanin, ay meron pang naglalakihang pata ng baboy.


Narito ang kabuuang post ni Graziella sa kanyang FB na may pamagat na “KASALANG BATANGAS…DULOT/SABIT sa mga Ninong at Ninang.”

“Aba’y Kevin Paulo Medrano ay una at huling kasal na natin ito ha.

“Ala eh pag ika’y napaibig sa Batangueña, buti nalang at ang mister ay Batangueño rin.

“Ang aming taos pusong pasasalamat sa aming parehong pamilya at mga kaibigan sa walang katumbas na pagmamahal sa aming mag-asawa, sa lahat po ng aming nakatulong simula sa pamimili, pagaayos, at pamimigay ng aming dulot sa aming mga ninong at ninang.

“Hindi na po namin kayo maiisa-isa , kami po’y lubos na nagpapasalamat sainyong lahat. Si Lord na po ang bahala magbalik ng kindness at pagmamahal nyo samin. God bless po!” mensahe ni bride gamit ang mga hashtag na #KEVINakuranNaSiGRAZIE at
#KEVINmarrieshisGRAZIEstlove.

Narito naman ang mga nabasa naming comments mula sa mga netizens at followers ng bride.

“Makapag asawa nga ng Batangueno.”

“Mahina ang 10k na regalo dto.”

“Pag hinde ka balikbayan dka sasabitan.”

“Pangmalakasan kasalan.handa na Ang titulo ng lupa.”

“Maging praktikal n tama n konti handa at ipagpagawa n lng bahay o d kaya ay ipagnegosyo para sa hinaharap.”

“Oks lang yan tas ang bigay naman ng mga ninong at ninang nasa 100k or 500k hahahaha.”

Ogie Diaz may babala sa mga magulang na ginawang ‘hanapbuhay’ ang Pasko

Kyline sa mga paandar ni Mavy sa socmed: I don’t know, hindi ko alam diyan kay Mav!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lalaking taga-ibang bansa nag-propose kay Kylie Verzosa: I want to marry you, I love you very much!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending