Rachelle 'answered prayer' ang pagpapakasal kay Martin Spies

Rachelle Ann Go ‘answered prayer’ ang pagpapakasal kay Martin Spies

Ervin Santiago - January 27, 2025 - 08:12 AM

Rachelle Ann Go 'answered prayer' ang pagpapakasal kay Martin Spies

Rachelle Ann Go at Martin Spies

ANSWERED prayer kung ituring ng Broadway star na si Rachelle Ann Go ang pagdating sa kanyang buhay ng asawang si Martin Spies.

Nagpapasalamat si Rachelle Ann dahil more than 100 percent ang suportang ibinibigay ni Martin sa kanyang showbiz career.

“Talagang mabait si Lord. Ipinagdasal ko ‘yan,” ang pahayag ng singer sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.

Aniya pa, “Before I met him in New York, hindi ako ready nu’n sa any relationship. Pero sabi ko lang ‘Lord, ipagdadasal ko po ‘yung future husband ko. Not now, pero very specific ‘yung aking prayer requests.”

Partikular na hiniling ni Rachelle kay Lord na makapag-asawa ng matangkad at yung lalaking makakaintindi sa kanyang trabahao bilang artist.

Baka Bet Mo: Rachelle Ann Go buntis ulit, excited na sa kanilang baby no. 2

“And then ang sabi ko ‘yung susuportahan ako sa career kung saan ako mapupunta. Na nangyari naman,” sey pa ni Rachelle na inilarawan si Martin bilang “nice, kind, and Godly.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rachelle Ann Go-Spies (@gorachelleann)

Sa tanong ni Tito Boy kay Rachelle kung gaano siya kaselosa, “Dati selosa, ngayon hindi na. Secured, kasal na kami.”

Nasabi na noon ni Rachelle Ann na unang kita pa lamang niya kay Martin sa isang simbahan sa New York noong January, 2017, knows na raw niya na ito na ang kanyang “the one” at “forever”.

Ipinakilala sila ng kanilang mga kaibigan sa isa’t isa hanggang sa magpakasal na nga noong April, 2018. Dalawa na ngayon ang anak nina Rachelle Ann at Martin – sina Lukas Judah at Sela Teruah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa London, United Kingdom na naninirahan ang pamilya ng singer at Broadway actress pero umuuwi pa rin siya sa Pilipinas kapag may mga offer sa kanya to do shows here and other projects.

Sa tanong kung balak pa ba nila ni Martin na dagdagan ang dalawa nilang anak, “Gusto ko pa sana Tito Boy, but walang help sa London. But we’ll see.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending