Rachelle Ann Go balik-entablado matapos tamaan ng pneumonia

Rachelle Ann Go balik-entablado matapos tamaan ng pneumonia

Pauline del Rosario - June 02, 2024 - 11:28 AM

Rachelle Ann Go balik-entablado matapos tamaan ng pneumonia

PHOTO: Instagram/@gorachelleann

MAPAPANOOD na muli sa international stage ang Pinay broadway actress na si Rachelle Ann Go!

Muli siyang nakasali sa “Hamilton” tour sa Singapore makalipas ang halos limang linggong pahinga dahil sa pneumonia.

Sa Instagram Story noong May 31, ibinandera ni Rachelle ang kanyang selfie habang nasa backstage ng Marina Bay Sands theater.

Kalakip niyan ang latest health update niya at nabanggit pa nga ng singer-actress na bumaba ang kanyang timbang ng 11 lbs.

“Last night, I came back to do the ‘Hamilton’ international tour after being off for almost [five] weeks because of pneumonia,” sey niya sa caption.

Baka Bet Mo: Rachelle Ann Go naloka sa presyo ng gulay sa Pilipinas: Bakit parang mas mura sa London?

“[I] lost 11 lbs, too. It was tough,” pag-amin niya.

Chika pa ni Rachelle, “Hirap huminga, [but] they gave me so much love so I survived.”

Rachelle Ann Go balik-entablado matapos tamaan ng pneumonia

PHOTO: Instagram Story/@gorachelleann

Noong April 19 nang mag-premiere ang Singapore leg ng “Hamilton” at nakatakdang matapos ng June 9.

Kung maaalala, nauna nang nasilayan sa ating bansa ang nasabing musical show noong Setyembre hanggang Nobyembre ng nakaraang taon.

Maliban kay Rachelle na ni-reprise ang kanyang role bilang si Eliza Hamilton ng hit musical, tampok din ang cast members na sina Jason Arrow (Alexander Hamilton), DeAundre’ Woods (Aaron Burr), Akina Edmonds (Angelica Schuyler), Darnell Abraham (George Washington), David Park (Marquis de Lafayette at Thomas Jefferson), Shaka Bagadu Cook (Hercules Mulligan at James Madison), Jacob Guzman (John Laurens at Philip Hamilton), Elandrah Eramiha (Peggy Schuyler at Maria Reynolds) at si Brent Hill (King George).

Bukod sa “Hamilton,” marami nang pinagbidahan na theater productions ang Pinay broadway star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kabilang na riyan ang “Les Miserables” para sa ika-30th anniversary stage, “The Little Mermaid,” “Tarzan,” at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending