Jasmine Curtis nag-share ng ‘iwas-bashers’ tips, ‘art of dedma’ kontra nega natutunan kay Anne | Bandera

Jasmine Curtis nag-share ng ‘iwas-bashers’ tips, ‘art of dedma’ kontra nega natutunan kay Anne

Pauline del Rosario - March 30, 2023 - 03:31 PM

Jasmine Curtis nag-share ng ‘iwas-bashers’ tips, ‘art of dedma’ kontra nega natutunan kay Anne

PHOTO: Instagram/@jascurtissmith

ISA ka rin ba sa mga sawang-sawa nang atakihin ng mga basher?

Heto, may advice diyan ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith mula sa kanyang personal na mga karanasan.

Sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan lang ay tinanong si Jasmine ng King of Talk na si Tito Boy kung paano nga ba niya napapanatili ang kanyang private life.

Sa umpisa ay inamin ni Jasmine na hindi talaga maiiwasang makarating sa kanya ang mga masasamang komento tungkol sa kanya, lalo na’t laganap ang social media sa panahong ito.

Nauunawaan naman daw niya na mga personal na pananaw lamang ang mga ito na hindi na dapat pagtuunan ng pansin.

“Mahirap sabihin na hindi or magpaka-strong to say na ‘I don’t care, I don’t give it any notice.’ pero dahil ‘yung panahon, itong last ten years, itong evolution ng social media, kung gaano natin siya ginagamit sa trabaho, mahirap iwasan na hindi mabasa ‘yung mga comments na hindi mo gusto na hindi ka gusto,” sey ni Jasmine kay Tito Boy.

Baka Bet Mo:  Carmen Curtis-Smith super happy sa kanyang May-December affair, deadma sa bashers

Patuloy pa niya, “Pero kailangan mo lang din intindihin na these are only personal opinions. I have my personal opinions about people, so minsan ayoko rin sa ibang tao pero hindi ko lang nati-tweet, pero sa akin umaabot ‘yung mga ibang tao. So learn to brush it off.”

Ibinahagi pa niya ang tinatawag niyang “art of dedma” na natutunan niya sa kanyang kapatid na celebrity na si Anne Curtis.

Aniya, “Laging sabi ni ate noon, ‘art of dedma’ which is not very easy to learn lalo na kung sensitive kang tao.”

“Pero it’s a muscle na kailangan mo lang i-exercise everyday, especially kapag nabasa mo na ‘yung ayaw mong mabasa and na-rattle ka na about it kasi mahirap ding pigilan na na-hurt ka or apektado,” Paliwanag pa niya.

Bukod sa “art of dedma,” ibinahagi rin ni Jasmine ang isa pang advice ng kanyang ate pagdating sa buhay.

“‘Yung pangalawa Tito Boy, matagal ko nang sinasabi is kapag hindi buong puso, huwag mo nang gawin,” saad niya.

Paliwanag pa niya, “Kasi mahahalata e. Makikita ng tao ‘yun and that goes for work, for relationships, friendships, anything all across the board na pag hindi buo ang puso mo – or kahit simpleng bagay bibili ka ng t-shirt, ‘di buo ang puso mo na bilhin ‘yan, ‘wag na.”

“Maybe ibig sabihin ‘nun, you’re saving your finances for something better in the future,” aniya pa.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jasmine na-shock nang mapagkamalang nanay ni Anne

Jasmine iniintriga ang lovelife; may inamin tungkol kay Alden

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending