Bayani naloka nang malamang matsutsugi na ang 'LOL'; matalbugan kaya ni Karla si Tyang Amy sa pagbabalik ng 'Face To Face'? | Bandera

Bayani naloka nang malamang matsutsugi na ang ‘LOL’; matalbugan kaya ni Karla si Tyang Amy sa pagbabalik ng ‘Face To Face’?

Alex Brosas |March 27,2023
facebook
share this

Bayani naloka nang malamang matsutsugi na ang ‘LOL’; matalbugan kaya ni Karla si Tyang Amy sa pagbabalik ng ‘Face To Face’?

Alex Brosas - March 27, 2023 - 07:14 AM

Bayani naloka nang malamang matsutsugi na ang 'LOL'; matalbugan kaya ni Karla si Tyang Amy sa pagbabalik ng 'Face To Face'?

Bayani Agbayani

SI Bayani Agbayani pala ang source ni Ogie Diaz sa chikang mawawala na ang “LOL” (Lunch Out Loud) sa TV5.

Kasama si Bayani sa show na bilang na pala ang mga araw sa ere.  Nakatsikahan ito ni Karla Estrada recently at nagulat ito nang malaman na may ipapalit na pala sa “LOL”, ang “Face to Face” kung saan main host siya at makakasama yata si Alex Calleja.

Nagulat nga raw si Bayani nang malaman niya ito mula kay Karla. Apparently, hindi pa sila sinasabihan na matsutsugi na ang kanilang noontime show.

Na-confirm lang daw ni Bayani na totoo ang chika nang makausap niya ang mga may kinalaman sa show.

Ang chika kasing lumalabas, hanggang April 29 na lang ang “LOL” at ang huling taping nito ay sa March 29.

Anyway, here’s the development sa balitang ang “Face to Face” na ang papalit sa iiwanang timeslot ng “LOL”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bayani Agbayani (@bayaniagbayani)


Ang chika, meron ding gagawin ang GMA 7 na tila may pagkakatulad sa “Face to Face” na iho-host ni Karla. Ang sabi sa amin, ang magiging title daw nito ay “Case to Case”. Hindi naman kami nasabihan kung sino ang magiging host nito.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin to the rescue kay Bayani, rumesbak kay Vice Ganda sa isyu ng ‘overtime’

Kaloka, kung true, ‘di ba?

Anyway, tila naimbiyerna raw ang mga executive ng TV5 dahil dito.

Ang higit na mas nakakaloka ay ang walang takot na pag-reveal ni Karla na magho-host siya ng “Face to Face”.  Hindi pa man yata siya nakakapag-taping sa show pero talagang itsinika na niya ito kay Bayani.

Still on “LOL”, kung matsutsugi na talaga ito at malapit nang magwakas, saan na makikitang show si Alex Gonzaga? ‘Yan ang tanong ng marami.

Oo nga, ‘no? Kung matsutsugi na ang “LOL”, saan na mapapanood si Alex?

Anyway, kung ‘yung format pa rin ng “Face to Face” ang gagawin ni Karla,  malamang ma-compare siya kay Amy Perez.

This is a tall order for her dahil napasikat ni Amy ang show na talagang isa sa show ng TV5 noon na may pinakamataas na rating.

Bayani Agbayani trending dahil sa dasal, bagong patutsada nga ba kay Vice Ganda?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano nga ba ang rason ng pagre-resign ni Alex Gonzaga sa ‘Lunch Out Loud’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending