Rochelle aminadong selosang misis, Arthur kalmado lang: 'Bakit lahat ng pictures, magkatabi kayo, ano 'to?' May ganu'n ako | Bandera

Rochelle aminadong selosang misis, Arthur kalmado lang: ‘Bakit lahat ng pictures, magkatabi kayo, ano ‘to?’ May ganu’n ako

Ervin Santiago |March 26,2023
facebook
share this

Rochelle aminadong selosang misis, Arthur kalmado lang: ‘Bakit lahat ng pictures, magkatabi kayo, ano ‘to?’ May ganu’n ako

Ervin Santiago - March 26, 2023 - 07:28 AM

Rochelle aminadong selosang misis, Arthur kalmado lang: 'Bakit lahat ng pictures, magkatabi kayo, ano 'to?' May ganu'n ako

Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap at Shiloh Jayne

“KAPAG hindi ako nagselos, aba, kabahan na siya!” Yan ang naging pahayag ni Rochelle Pangilinan nang mapag-usapan ang kanyang pagiging misis.

Diretsahang inamin ng Kapuso actress-dancer na totoong selosa siyang wifey ng husband niyang aktor na si Arthur Solinap.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda,” naikuwento nga ni Rochelle ang ilang kaganapan sa pagsasama nila ni Arthur bilang married couple at isa na nga riyan ang isyu ng selosan.

Ayon sa dating leader ng iconic all-female group na SexBomb Dancers, nagpapasalamat siya kay Arthur dahil bukod sa mabait na ito ay super understanding din ang aktor.

Baka Bet Mo: Kuya Wil sa chismis na nabuntis niya si Herlene Budol: ‘Anong magiging anak namin, hipon?’

Sey ni Rochelle sa pagiging jealous wife,
“Dapat lang para mas ma-feel niya na love na love ko siya. Naku, kapag hindi na ako nagselos, yun na, kabahan na siya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)


Kuwento pa niya, nag-e-explain naman si Arthur nang bonggang-bongga kapag meron siyang mga issue, lalo na pagdating sa mga babae.

“‘Bakit tabi sa iyo ‘yan? Bakit lahat ng pictures, magkatabi kayo, ano ‘to?’ May ganu’n ako. Pinapakalma na muna niya ako saka noya ie-explain yung side niya,” chika pa ng Kapuso star.

Ngunit ipinagdiinan naman ni Rochelle na kahit grabe siya magselos ay hindi naman siya umabot sa panunugod at pakikipag-away sa mga babaeng pinagselosan niya.

Bigla naman siyang kumambiyo sa bandang huli ng panayam sa kanya ni Tito Boy Abunda, “Kay Arthur, secured ‘yung pakiramdam ko na mahal talaga ako so paparamdaman niya sa ‘yo na hindi ka dapat magselos.”

Ikinasal sina Rochelle at Arthur noong August, 2017 sa Tagaytay at biniyayaan sila ng isang anak na babae, si Shiloh.

Napapanood ngayon ang aktres sa GMA primetime series na “Mga Lihim ni Urduja” habang ang mister naman niyang si Arthur ay makakasama sa upcoming Kapuso mystery series na “Royal Blood” na pagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Kim umaming nagselos sa love scene nina Jerald at Sunshine Guimary: Tao lang po…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rochelle Pangilinan nanindigan sa kanyang kandidato: Isa rin siyang ina gaya ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending