Kim umaming nagselos sa love scene nina Jerald at Sunshine Guimary: Tao lang po... | Bandera

Kim umaming nagselos sa love scene nina Jerald at Sunshine Guimary: Tao lang po…

Reggee Bonoan - May 12, 2021 - 06:36 PM

SA virtual mediacon ng pelikulang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” kanina ay inamin ng bidang si Kim Molina na totoong nagselos siya sa mga love scene ng boyfriend niyang Jerald Napoles at ni Sunshine Guimary sa “Kaka.”

Ang paliwanag ni Kim, “I’m very honest with the press mula dati pa, I’m human also, so I felt certain emotions hindi ko rin naman in-expect na magkakaroon ng ganu’n klaseng movies but I also thought of that when I did Momol Nights (kasama si Kit Thompson) na hindi malayong gagawin din ni Jerald.

“Maraming nagsasabi nga na babaeng version ako ni Jerald at lalaking version naman niya ako.  Hindi ko lang in-expect na gagawa siya agad. May mga certain emotions akong naramdaman of course, lalo na ang nagbigay kasi ng factor doon, e, lock-in taping,” pahayag ni Kim.

“So, as a girlfriend meron akong (naisip) na, ‘hala ano ang gagawin niya, everyday ganyan,’ but at the same time pinagkatiwalaan ko si Je at siya naman, he was such a gentleman and he would always tell me what’s happening, okay naman.  Actually nag-video call kami ni Je (habang nasa lock-in shoot) tapos nandoon din si Shine, tapos nag-hi ako ganyan,” paliwanag pa ng aktres.

Dagdag pa niya, “Kaya pwede n’yo yang gawing title, ‘Kim Molina, hindi naging babaeng walang pakiramdam.’ Ha-hahaha!”

Sinang-ayunan din ni Jerald ang paliwanag ng girlfriend na hindi lang naman sila ang celebrity couple na nagkaroon ng ganitong isyu sa relasyon.

Sabi ng aktor, “If we were ordinary citizen, ‘yun ‘yung parte ng trabaho na artista lang ang gagawa na mayroon kang intimate scenes sa kapwa artista na usually sa ordinaryong tao, e kayong dalawa lang ang gumagawa no’n as couple.”

Samantala, pitong taon nang magkarelasyon ang dalawa kaya natanong kung wala pa ba silang planong magpakasal.

“Kasi late bloomer kami sa career so maximize sana kung ano ‘yung kayang i-offer para mas solido ‘yung pundasyon kung saan man kami papunta in the near future. Pero hindi naman namin inaalis sa isip namin ‘yung mga ganu’ng bagay.

“Para sa akin, at naniniwala naman din si Kim dito, at nasabi ko na rin sa kanya especially during this pandemic, it’s a day to day basis approach regarding what you wanna plan ahead of time.

“So, we need to survive now or this year first and then let’s plan it together again after the year and let’s see what’s happens and maybe we can plans something else to the both of us as far as we have careers.

“Because a lot of people ay nare-retrench, maraming nawalan ng career so baka ngayon ito po muna ang focus natin at nag agree din naman si Kim,” magandang paliwanag ni Jerald.

Anyway, panoorin ang bagong movie ni Direk Darryl Yap, “Ang Bababeng Walang Pakiramdam” sa June 11 na may worldwide premiere sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV, Cignal PPV at sa Vivamax.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net o maari ring i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store o bumili ng Vivamax vouchers sa Shopee at Lazada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending