#TripTripLang: Darren Espanto inupuan sa legs si Regine Velasquez, netizens laugh nang laugh | Bandera

#TripTripLang: Darren Espanto inupuan sa legs si Regine Velasquez, netizens laugh nang laugh

Ervin Santiago |March 23,2023
facebook
share this

#TripTripLang: Darren Espanto inupuan sa legs si Regine Velasquez, netizens laugh nang laugh

Ervin Santiago - March 23, 2023 - 11:47 AM

ALIW na aliw ang mga netizens sa latest photo na ipinost ng Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto sa kanyang social media account.

Kahit kami ay laugh trip sa Instagram post ni Darren kung saan makikitang inupuan niya sa hita ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Kuha ang nasabing litrato sa studio ng musical noontime show ng ABS-CBN na “ASAP Natin ‘To.”

Makikita rito si Regine na nakangiwi ang mukha habang prenteng-prente naman si Darren na nakakandong sa kanyang mga hita.

“Sabi ni Mama Reg, upo raw po ako sa binti niya pero parang nagdalawang-isip agad siya,” ang inilagay na caption ng rumored boyfriend ni Cassy Legaspi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto)


Nagmistula ring higante si Darren sa nasabing litrato malayung-malayo na sa itsura niya noong unang nasilayan ng madlang pipol bilang contestant sa “The Voice Kids” season 1.

Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizens na nabasa namin sa comments section ng IG post ni Darren Espanto.

“Sabay tayo! hahahahhaahaha!” ang birong komento ni Darla Sauler.

Chika naman ni Melai Cantiveros, “Ang sayaaa!”

Baka Bet Mo: Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang!

“Hahahaha sobrang cute nyo ni Mama Reg mo! Haha Yung reaction nya talaga eh!!!”

“Ms Reg: napasubo ako, ambigat ng dambuhalang ito. sobrang cute nyoooo!”

“Cute nyo ni Mama Reg haha bigat mo na raw kasi!”

Ang cutee nyong magmommy @reginevalcasid grabe ang bigat mo daw D! Hahhaha

“Woohoo eto na ang inaabangan kong post. Wahhh thank you for posting my love @darrenespanto. I love you so much!”

“Guess on your pics that you posted, you’re fun to be with, I definitely want to be you’re friend.”

“Upuan mo din ako! HAHAHAHAHAHHA! ems!”

Yan ang ilan pa sa mga reaksyon ng mga fans ni Darren.

Carmina sa espesyal na ‘relasyon’ nina Darren at Cassy: ‘Happy ako for them, may blessing yun!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending