Sharon muling pinatunayan ang pagiging 'nanay' sa 28th birthday ni Julia: 'Hindi maghihiwalay habangbuhay!' | Bandera

Sharon muling pinatunayan ang pagiging ‘nanay’ sa 28th birthday ni Julia: ‘Hindi maghihiwalay habangbuhay!’

Ervin Santiago |March 20,2023
facebook
share this

Sharon muling pinatunayan ang pagiging ‘nanay’ sa 28th birthday ni Julia: ‘Hindi maghihiwalay habangbuhay!’

Ervin Santiago - March 20, 2023 - 05:18 PM

Sharon muling pinatunayan ang pagiging 'nanay' sa 28th birthday ni Julia: 'Hindi maghihiwalay habangbuhay!'

Julia Montes at Sharon Cuneta

MULING pinatunayan nina Megastar Sharon Cuneta at Kapamilya versatile actress Julia Montes ang kanilang pagiging “magnanay.”

In fairness, kahit nasa malayong lugar ay hindi pa rin nakalimutan ng veteran actress-singer at TV host na batiin ang kanyang anak-anakan sa kaarawan nito.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Julia ang screengrab ng video call nila ni Mega matapos siyang batiin nito sa pagdiriwang ng kanyang 28th birthday.

“Sweetest Greeting from Mommy Sha @reallysharoncuneta I love you. Hello also to @frankiepangilinan so pretty and nice to see you also,” ang caption na inilagay ng aktres sa kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)


Hindi naman nabanggit ng rumored partner ni Coco Martin kung nasaan si Sharon at ang pamilya nito.

Sa kanyang IG page, ipinost din ng Megastar ang screengrab ng video call nila ni Julia na may caption na,  “Di maghihiwalay habangbuhay! @montesjulia08 Love you baby ko!”

Baka Bet Mo: Dimples kay Julia Montes: Kilig na kilig yarn?

Nagsimula ang closeness nina Shawie at Julia nang magkasama sila sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Gumanap si Mega bilang nanay ni Julia sa nasabing Kapamilya serye.

Samantala, napanood din namin ang isang video kung saan mapapanood ang ilang kaganapan sa 28th birthday celebration ni Julia kung saan nakasama niya ang ilang malalapit na kapamilya at kaibigan.

Sa isang bahagi ng video ay makikitang naroon din sa party ang pinaniniwalaang boyfriend ni Julia na si Coco. Hanggang ngayon ay hindi lantarang inaamin ng dalawa ang kanilang tunay na relasyon.

“A few more minutes before she turns 28, Julia got to spend her birthday salubong with her loved ones – and of course her Tanggol. Happy Birthday, indeed!” ang nakasaad naman sa caption ng naturang video na in-upload sa Instagram fan page na “CocoJuls.”

Chito muling napatunayan ang pagiging wais na misis ni Neri: Bilib na bilib na talaga ‘ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

KC nag-promise kay Frankie: None of us is ever perfect, I’m your older sister forever!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending