KC nag-promise kay Frankie: None of us is ever perfect, I’m your older sister forever!
PINATUNAYAN ni KC Concepcion na maayos ang relasyon nila ng kapatid na si Frankie Pangilinan nang batiin niya ito sa kanyang ika-21st birthday.
Noong mga nagdaang buwan ay na-issue kasi ang dalawa na may hindi pagkakaunawaan nang mapansin ng mga netizen na hindi nakafollow si KC sa nakababatang kapatid.
Pilit ring pinagsasabong ng mga “Marites” ang magkapatid dahil iniintriga ng mga ito na mas paborito ni Megastar si Frankie kesa sa kanya.
Ngunit pinatunayan nga ng panganay ni Megastar na “fake news” lamang ang mga kumakalat na chika at nananatili silang close na magkakapatid sa kanyang Instagram post.
“Happy birthday, Frankie! You’re 21 today and it feels like yesterday when I first met you fresh out of mom’s tummy in the delivery room,” saad ni KC.
Aniya, kahit anong mangyari ay siya pa rin ang forever older sister ni Frankie na palagi handang gumabay sa kanya at magbigay ng mga lesson at advices sa nakababatang kapatid mula sa kanyang personal experiences na maaaring makatulong rin sa kapatid.
“I pray that the years bring us closer together and that many great memories between us can be made! Enjoy your birthday in flight! I’ll miss you for the holidays this year but know that tho none of us is ever perfect, I am your older sister forever who can guide you with the lessons I’ve learned in life that may be useful to you— and I’m just a call away!” pagpapatuloy ni KC.
View this post on Instagram
Dalangin rin ng actress-singer na sana ay matupad ang lahat ng pangarap ng kapatid.
“Praying that all your dreams come true- you are talented and your singing voice is tdf plus your songwriting is amazing!!!
Enjoy the holidays and your birth month!!! Love always, your ate.”
May isang netizen naman ang nagtanong kung bakit hindi sila magkita gayong parehas naman raw silang nasa New York.
“She’s super stressed with finals week! Pls pray for her!” reply ni KC.
Mukhang ayaw na ring istorbohin ng dalaga ang kapatid dahil marami itong ginagawa. Marahil ay magkikita rin sila pagbalik ni Frankie sa Amerika dahil uuwi ito ng Pilipinas.
So tama na ang kaka-issue at pagsasabong sa magkapatid dahil mukhang okay na okay naman silang dalawa at talagang busy lang sa kanya-kanyang buhay.
Related Chika:
Sharon inakusahang mas paborito si Frankie kesa kay KC; may pamatay na resbak sa bashers
KC Concepcion naka-unfollow kay Frankie?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.